Wednesday, February 23, 2005

nakakaloka

ilan lang ito sa mga na-encounter ko sa web habang naghahanap ng mga suppliers. sumakit ang ulo ko sa #3.

1. Profassional desinging & development
Quality guarantee
Speeding delivery
Wholeheartedly service for customers

2. Thanks for your Inquiry.

We will contact you as soon as Passible.
Thank You !!

3. Product Description:The main kit of our factory processes the production the industry of the every kindOf specification, decorate to wait the aluminum metal alloy type the aluminumMetal alloy of the material, every kind of specification the tube, cold pull outThe tube, decorate the, aluminum the diagram paper for producting, aluminum metalAlloy orbit, can according to businessman the sample the request to make toOrder the aluminum metal alloy the ware, can the kit is deep, weld to wait theProcessing of craft, surface to have shining oxidize to handle, and the second lightWhet the sand, gold yellow, black, dye can all handle, my plant in 1999 passThe iso9002 quantity system attestation product the quantity to match to exportRequest july, and we have already exported the aluminum metal alloy of the nationIn japan, germany, italy... Etc. Take care of, decorate, aluminum ware.Concrete of aluminum metal alloy the product product with the aluminum we canAccording to the diagram of your company and businessman that opportunity thePaper/sample request the design development to process to produce, come to kindAnd diagram paper to make to order, hope the business cooperation that we can haveThe cooperation become the long-term of your company

ano daw??? masama ba ako? OO!!! pasensya na pero medyo naloka talaga ako sa mga nabasa ko kanina eh.

pero meron naman akong natutunan sa mga ka-english-an na ito.
isang website ang kumuha ng aking atensyon sa kanyang intro na naka-flash pa.
ganito ang mga salitang bubungad sa inyo...

Advanced productive forces develop fast.
Advanced civilizations pullulate healthy.
Villager's life become richer and richer.

WORD OF THE DAY: pullulate
ngayon ko lang na-encounter itong word na ito, peksman. weird sa pandinig kaya naman sinearch ko sa google ang definition, expecting na wala akong makikita. synonymous pala ito sa swarm, teem, sprout, pour, stream, etc...

pahiya tuloy ako. heh-heh.

LESSON OF THE DAY: learn from mistakes. heh-heh...at saka huwag mag-a-under-estimate...tsk tsk tsk...

Tuesday, February 22, 2005

stress test daw

email by alfred...impluwens by moowagirl :)

pang-test daw ito nang level of stress. kapag mas mabagal daw ang galaw ng picture, mas magaling mag handle ng stress. sa mga kriminal daw parang umiikot ng mabilis ang larawan. sa mga seniors naman at mga bata, di ito gumagalaw.
try niyo. click it! click it!





moowagirl!!!mas girly-girl ako seyo...

aliw! got this from D.U.K.H.A.
swak naman ang description sa aken, sa tingin ko lang. iyakin kasi talaga ako.
teka, yun nga ba tinutumbok nun???
heh-heh...
bakit kaya di subscriber blogger ng blogthings???


dear moowagirl,

dapat siguro i-consider mo na ang pagpapalit ng pangalan sa moowaboy. yaiks! di maganda pakinggan. sige moowagirl na lang.


mas girl-na-girl,
ako





Your Brain is 86.67% Female, 13.33% Male



You have the brain of a girly girl

Which isn't a bad thing at all

You're emphatetic, caring, and in tune with emotions.

You're a good friend and give great advice.


Monday, February 21, 2005

praktis lang

bertdey ni tatay kahapon at nakakatuwa naman dahil kumpleto kame (maliban lang syempre kay nanay). 65 na si tatay namen. nag-es-em lang kaming lahat at duon nag-lunch. habang nag-gro-grocery ang mga asawa nila kuya (hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung ano ang tawag sa asawa ng kuya! di naman biyenan, ah basta!) nag-volunteer akong ipasyal si monik-nik, ang aming 2-month old latest addition sa family, sa kanyang stroller. kasa-kasama ko ang dalawa ko pang kyuting mga pamangkins na si eya and camille. fini-feel ko talaga ang pamamasyal, kunyari ako talaga si mommy. pareho naman kami ng chin kaya pwede na rin. matangos ang ilong niya pero pwede din namang isipin ng mga tao na sa daddy nagmana. yun nga lang siguro sa isip-isp nila, nasaan si daddy?! hmmm...anyway, buti na lang at naki-cooperate si monik-nik, sarap ng tulog. umiyak na lang siya nung napo0o-po0o. nabuko tuloy ang aking pagpa-panggap kasi hinanap namin si ate at siya lang ang nakapag-patahan sa anak niya.
pwede!

Thursday, February 17, 2005

cheese dog at instant french vanilla coffee

nagulat na lang nang mapansing maliwanag ang kwarto pagmulat ng mata. palibhasa'y sanay na madilim ang unang makikita (nakikita ba yun?), kaya nga sinanay na sa gabi pa lang ihanda na ang undergarments sa silya para di na mangapa. kaso, iba nga ang nangyari kanina. 6:20 na nang bumangon. bakit di ko narinig si cell phone? o kaya ang mala-hunchback of notre dame na kalembang ng katabing simbahan? hindi naman kami tumoma sa tagaytay kagabi. medyo (u)m(a)aga pa din naman kaming nakauwi (1:40 am).

kakaiba nga kanina. biglang napa-bangon at sinilip ang kasama na kasabay din palang nagising. naabutan pang mahimbing ang isang kasama sa baba. madalas ko din siyang gisingin sa umaga pag-baba ko ng alas singko kinse. ano pa nga ba? di na siya nakaligo dahil dapat alas singko-y-medya nakaalis na siya.

buti na lang cook ang kasama kong kasabay ko nagising at meron pa akong oras maligo. siya kasi ang kasunod ko sa pila sa CR. di na nagawa ang ritwal sa umaga* at nag-quickie na nga ako.

ang unang gumigising dapat sa mga kalalakihang kasama sa staffhouse, napasarap din ang tulog. dapat mas maaga pa nga siyang babangon para maghugas ng pinagkainan kagabi.

ano nga bang nagyari? kumain lang naman ako ng cheesedog at uminom ng instant french vanilla coffee kagabi. si kasamang cook naman, stuffed pandesal at instant french vanilla coffee din. cheesedog din ang kay kasamang dishwasher. dalawang common factors na di pa rin common sa aming tatlo.

kahit anong pilit ko, di ko mahanapan ng iuugnay si kasamang di naligo. nagpaiwan lang naman siya mag-isa sa bahay kagabi.

baka nga sa cheese dog at instant french vanilla coffee.

kahit ano pa yun, ang importante hindi kami na-late.

UP fair naman kaya kami mamaya? heh-heh.


*p0o0o-p0o0o bago maligo :)

mga pers tayms sa opis

naks naman! makikita ko na din soon sa DCC* files namin ang name ko after ng "Drawn by:". kahit na masakit sa likod ang dalawang maghapong pag-autocad, sulit na din, lalo pa kanina nang tina-type ko na yung name ko dun. sarap pala ng feeling! mas okei pa kesa sa unang tanggap ng package (ng laser module) na in-order abroad na naka-pangalan sayo (kahapon naman yun!). hindi ko naman tinabi yung lalagyan (after some thoughts). over na yun!

pero sabi nga ni john, mas lalo pa daw pag after ng "Designed by:" nakalagay ang pangalan. mas proud ba. hmmmn, makikita ko din kaya ang name ko dun?

ang sarap tuloy maging busy these days. feel ko na ang patikim ng pagiging gingeeneer :)

*document control center

Labels:

Monday, February 14, 2005

delayed update

onga pala...click-able na yung ibang previous pics na na-post ko, yung iba naman re-size lang.na-e-excite tuloy ako.meron akong kyutie links coming up! next time na lang, dadagdagan ko pa. gusto ko namang matutong gumawa ng webpage. gusto kong i-customize si buntong hininga para me sarili kong "touch".medyo matatagalan pa nga lang siguro because of the busy sched (owwsss? talaga lang ha!?!). it won't be happening this next two weeks for sure.


slowly but surely. yun lang.

sana magpakilala na si japanese-writing-nihongo-speaking-anonymous! lagot ka sa aken pag naglagay na ako ng IP tracker. HAH!


(feeling-)patriotic

first song that i caught myself singing (in my mind) while stirring my coffee with milk at past 3 this morning: "...magkaisa!..." of the edsa 1. i don't even know the lyrics but i swear i'm singing it in my mind. it must be the holiday on the 25th.yey!







kinda weird though.hmmmmn....

Thursday, February 10, 2005

salubong























di inakalang sa inyo magmumula
unang pagbati tunay akong pinasigla
salamat mga kaibigan sa pag-aalala
di na ako nalunod sa pangungulila






pasensya na po, ito na lang nakayaanan ng poetic powers ko. si eman, my buddy in math club, took the shots using his 6600. sayang wala siya sa pic. maraming salamat talaga! pinasaya niyo ako. subukan kong bumawi sa inyo mamaya. kitakits sa staffhouse.

psssst...pansin niyo ba yung pet "tarsier" namin na nakalambitin? kyutie noh?! heh heh... ^_~

Wednesday, February 09, 2005

spaghetti ni nanay

ilang oras na lang ang nalalabi...hindi mo na ako mailuluto ng iyong pamosong spaghetti-con-tahong. sayang, hindi na matitikman ng mga bago kong kaibigan ang luto mo. siguradong-sigurado ako na magugustuhan din nila ito. ang pinakahuling mapalad na nakatikim nito ay mga kasamahan ko pa sa CV, isang taon na bukas ang nakakalipas. kahit pa nga allergic sa seafoods ang iba, napakain pa din. natatandaan ko, dalawang pebrero ko din nga pala pinagdala nito ang mga tao sa LC lab at talaga namang hiningi pa nila ang recipe mo. pero ako, hindi pa rin marunong magluto nito. hindi ko kasi tinandaan nung binasa ko ang recipe na binigay ko sa labmate ko eh. malayo kasi sa isip ko nun na dadating ang panahon na di mo na ako mapapagluto. nasanay at umasa kasi ako sa sobrang pag-aasikaso mo.

si tatay na lang ang tatawag sa akin bukas. hindi mo na ako mababati. hindi mo na ako maki-kiss. hindi na kita maki-kiss.

miss na miss na kita...


kahit na walang spaghetti...



sobrang miss na kita...

Labels:

Tuesday, February 08, 2005

kawawang bata

5 25-centavo coins
12 1-peso coins
4 5-peso coins
1 20-peso bill
equals...
53 pesos & 25 centavos
yan na lang ang natitirang baon ko 'til payday on thursday. 12:30 p.m. pa makukuha ang salary kasi ala pa kami ATM account so kelangan mapaabot for lunch ang pera. kahapon nakabili pa ako ng pillows at naka-merienda pa nung break time. ngayon, coffee na lang. buti na lang libre at masarap ang coffee namin. ini-snob ko muna si mr. donuts' yummy belgian bites. sa plaza na lang siguro ako dadaan para makaiwas sa kanya. kagabi, nalibre ako ng fishball (thanks aris). baka bukas magpalibre ako ng pamashe sa jeep pauwi. heh-heh. thanks to eman's free ride pag umaga, menos gastos na din yun para lalo pang mapag-abot si budget.
25 lunch
5.50 jeep
equals...
30 pesos and 50 centavos
times 2 pa!!!
grabeh talaga, kung kelan ako di umuwi para makatipid ng pamasahe pati na din para di mapagod...tsk-tsk-tsk...tsaka pa mawawala si 500. haaaay...sana nga lang ang nakakuha or nakapulot nun ay talagang makatulong ito sa pangangailangan nya. yun na lang iisipin ko, mas kailangan yun ng napuntahan ng pera ko.

eureka!!!

10-minute break...super bilis lang nito. kakatimpla ko lang ng instant coffee. na-miss ko na din ang lasa niya. di naman nakakasawa ang espresso, nakakatamad lang maghugas ng strainer ng coffee maker (ako kasi gumagawa nun eh) saka usually si aris ang nag-pre-prepare ng coffee sa umaga. anyway, habang nagtitimpla ako, nakisabay na naman itong si alfred. sabi ko nga sa kanya, "Paano na pag nawala ako, ma-mi-miss mo ang pagtimpla ko sayo ng kape". hala, sinakyan naman ako at medyo nag-drama. pero ang pinakamatinding plot eh nung matapos ko nang ilagay ang 3 ingredients according to alfred's taste (2:3:3 ratio niya), hinalo-halo ko na sila with hot water. medyo napa-tagal ng konti...napapansin kong napapabilis din ng konti ang pag-stir ko...hanggang sa...*flashbulb*...nag-light si flashbulb at bigla kong nasabi, "Alam ko na kung bakit magnetic ang mug mo. Para di tumapon habang naghahalo kasi pinipigilan nito yung spoon para mag-stay lang sa baba." Aba! nagtawanan ba naman sila ni adrian??? okei, natawa din ako. not because walang sense yung sinabi ko. i do believe isa yun sa reasons. napag-usapan kasi dati yan dito sa dept. isa nga sa reason eh para yung rust or iron na nasa spoon or coffee ay mag-settle sa ibaba at di mainom. come to think of it, merong logic di ba? yung akin din naman eh. tried and tested pa kanina. i asked alfred to test it for himself pero tinawanan niya ako....heh-heh...natawa din nga ako kasi parang...*ting! eureka!*
dahil sa pangyayaring ito, nawala na ang antok ko. 3 minutes ago nag-bell na...back to japanese 101 ako.

Monday, February 07, 2005

tinatamad mag-blog

hangover...rinrin...seiki's babies...500 pesos...new bag...japanese 101...guitar...testi...

dami kong gusto sanang i-blog kaso umaandar ang aking katamaran. pero patay na nga kaya si rinrin ko???baka kasi niloloko lang ako ni tatay. mas madalas kasing di seryoso yun eh. tumawag siya kahapon at nagising tuloy ako from my hangover. kinumusta lang, at tinanong kung me kasama ako sa staffhouse. at binalita nga na patay na si rinrin...di nag-reply pinsan ko kung totoo nga yun.ala yatang load. sayang naman, medyo malaki na siya eh. baka nga wala ngang sumalubong saken sa friday. :(

tumawag din si tatay nung saturday night, para lang i-check kung meron akong kasama sa staffhouse at kung kumain na ko. at mukang ibibili na niya ako ng gitara!!! yippeeee!!! sabi ko ako na lang bibili kasi me nakita na ako, pero ang totoo wala pa. balak ko kasi magpabili sa officemate ko, mura daw kasi tapos lumanog pa. sobrang tuwa ko nun!!! medyo nagtatampo ako sa kanya dahil wala daw siyang pera pag sinasabi ko na gitara ang i-regalo niya saken, pero yung pamangkin ko binigyan niya nang 1 taw nung birthday nung january 10. para akong bata noh??? heh-heh...talagang labs ako ni tatay!!!

ayan, less 2 na! 6 more...sa isang entry naman...




Friday, February 04, 2005

Hah-Hah!!!

had a great laugh last night after dinner with my staffhouse mates. we laughed-out-loud 'til it hurt! good thing we didn't thow-up the food we ate. my worry is alfred, who was "Extra-Challenged" by joyce to drink a bowl of the (extra-)sour sinigang he cooked for dinner. he did, and his lips where white after that! all for the sake of KFC lunch and dinner. he was able to hold back the bowl of sinigang he drank despite the stomach-cramping laughs. we talked about staff house history too, and Nancy's tae-bo costume topped the stories that night, beating even alfred's stunt. it was a nice, fun and bonding moment. and a good stretching exercise too!

here are more laughs:


Don't Quote Me Again!


--------------------------------------------------------------------------------
Question: If you could live forever, would you and why?
Answer: "I would not live forever, because we should not live forever, because if we were supposed to live forever, then we would live forever, but we cannot live forever, which is why I would not live forever."
- Miss Alabama in the 1994 Miss Universe contest
~ sakit sa ulo! buti na lang di siya immortal!
-------------------------------------------------------------------------------

"Outside of the killings, Washington has one of the lowest crime rates in the country."
- Mayor Marion Barry, Washington, DC
--------------------------------------------------------------------------------
"I've never had major knee surgery on any other part of my body."-
-Winston Bennett, University of Kentucky basketball forward

~hah-hah! pa neuro-surgery ka na!
--------------------------------------------------------------------------------
"Whenever I watch TV and see those poor starving kids all over the world, I can't help but cry. I mean I'd love to be skinny like that but not with all those flies and death and stuff."
- Mariah Carey, pop singer

~duh! so stupidly coniotic!
--------------------------------------------------------------------------------
"I'm not going to have some reporters pawing through our papers. We are the president."
- Hillary Clinton, commenting on the release of subpoenaed documents.
--------------------------------------------------------------------------------
"The police are not here to create disorder. They're here to preserve disorder."
- Chicago Mayor Richard Daley during the 1968 Democratic convention.

~well-put!
--------------------------------------------------------------------------------
"China is a big country, inhabited by many Chinese."
- Former French President Charles de Gaulle

~uy trivia toh ah!
--------------------------------------------------------------------------------
"I haven't committed a crime. What I did was fail to comply with the law."
- David Dinkins, former New York City Mayor, answering accusations that he failed to pay his taxes.

~lulusot pa...
--------------------------------------------------------------------------------
"The Internet is a great way to get on the Net."
- Former Republican presidential candidate and Senator, Bob Dole

~o_0
--------------------------------------------------------------------------------
"Things are more like they are now than they ever were before."
- Former U.S. President Dwight D. Eisenhower
--------------------------------------------------------------------------------
"Traditionally, most of Australia's imports come from overseas."
- Former Australian cabinet minister Keppel Enderbery
--------------------------------------------------------------------------------
"We're going to turn this team around 360 degrees."
- Jason Kidd, upon being drafted by the Dallas Mavericks

~pwede din 2pi radians back to where you started
--------------------------------------------------------------------------------
"Researchers have discovered that chocolate produces some of the same reactions in the brain as marijuana.... The researchers also discovered other similarities between the two, but can't remember what they are."
- Matt Lauer, host of NBC's Today show
--------------------------------------------------------------------------------
"It's like an Alcatraz around my neck."
- Boston mayor on the shortage of city parking spaces

~sorry, dehins ko getz talaga eh
--------------------------------------------------------------------------------
"They're multi-purpose. Not only do they put the clips on, but they take them off."
- Pratt & Whitney spokesperson explaining why the company charged the Air Force nearly $1,000 for an ordinary pair of pliers.
--------------------------------------------------------------------------------
"I was recently on a tour of Latin America, and the only regret I have was that I didn't study Latin harder in school so I could converse with those people."
- Former U.S. Vice-President Dan Quayle

~shux!!! ganun pala yun!!! 0_0
--------------------------------------------------------------------------------
"It isn't pollution that's harming the environment. It's the impurities in our air and water that are doing it."
- Former U.S. Vice-President Dan Quayle

~tama naman eh. kelangan specific!
--------------------------------------------------------------------------------
"The streets are safe in Philadelphia. It's only the people who make them unsafe."
- Frank Rizzo, ex-police chief and mayor of Philadelphia

~i therefore conclude...it's indeed safe
--------------------------------------------------------------------------------
"Smoking kills. If you're killed, you've lost a very important part of your life."
- Brooke Shields, during an interview to become spokesperson for a federal anti-smoking campaign.

~wahahahaha!!!!!!!!! ayos na spokesperson toh ah!
--------------------------------------------------------------------------------
"The president has kept all of the promises he intended to keep."
- Former Clinton aide George Stephanopolous speaking on "Larry King Live".
--------------------------------------------------------------------------------
"That lowdown scoundrel deserves to be kicked to death by a jackass, and I'm just the one to do it."
- A congressional candidate in Texas

~what you call a subtle self-proclamation!
--------------------------------------------------------------------------------
"Without censorship, things can get terribly confused in the public mind."
- General William Westmoreland, during the war in Viet Nam
--------------------------------------------------------------------------------
"What would this country be without this great land of ours?"
- Former President Ronald Reagan Some 40% of female gas station employees in Metro Detroit are women, up from almost none a year ago. -- Detroit News article
--------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------
"When more and more people are thrown out of work, unemployment results."
-Former U.S. President Calvin Coolidge

~note: stated matter-of-factly pa toh...
--------------------------------------------------------------------------------
"It's like deja vu all over again."
-Yogi Berra


~ and again, and again, and again...
--------------------------------------------------------------------------------
"The loss of life will be irreplaceable."
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle on the San Francisco earthquake

--------------------------------------------------------------------------------
"It is necessary for me to establish a winner image. Therefore, I have to beat somebody."
- Richard M. Nixon

~toink!

--------------------------------------------------------------------------------
"The government is not doing enough about cleaning up the environment. This is a good planet."
-Mr. New Jersey contestant when asked what he would do with a million dollars.

~bakit di na lang kasi sinagot ang classic "world peace" answer eh. duh...

--------------------------------------------------------------------------------
"When I have been asked during these last weeks who caused the riots
and the killing in L.A., my answer has been direct and simple: Who is
to blame for the riots? The rioters are to blame. Who is to blame for
the killings? The killers are to blame."
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle on the complex social issues
behind the Los Angeles Riots

~me points siya dun...klap-klap!


--------------------------------------------------------------------------------
"A billion here, a billion there, sooner or later it adds up to real money."
-Everett Dirksen

--------------------------------------------------------------------------------
"A verbal contract isn't worth the paper it's written on."
-Samuel Goldwyn

--------------------------------------------------------------------------------
"Republicans understand the importance of bondage between a mother and child. "
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle on Republican family values

--------------------------------------------------------------------------------
"Half this game is ninety percent mental."
- Philadelphia Phillies manager Danny Ozark

~manager po siya, di mathematician kaya accept niyo na.

--------------------------------------------------------------------------------
"I don't feel we did wrong in taking this great country away from them. There were great numbers of people who needed new land, and the Indians were selfishly trying to keep it for themselves."
-John Wayne

~pffffttttt...baaaaaaaaaadddddd...

--------------------------------------------------------------------------------
"What a waste it is to lose one's mind. Or not to have a mind is being very wasteful. How true that is."
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle at a fund-raising event for the United Negro College Fund. He was attempting to quote the line "a mind is a terrible thing to waste"

~bise presidente ba talaga toh?nakakarami na siya ah!

--------------------------------------------------------------------------------
"If you let that sort of thing go on, your bread and butter will be cut right out from under your feet."
-Former British foreign minister Ernest Bevin

~di ako matawa kasi di ko gets

--------------------------------------------------------------------------------
"I love California. I practically grew up in Phoenix."
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle

--------------------------------------------------------------------------------
"I stand by all the misstatements that I've made."
-Former U.S. Vice-President Dan Quayle

~too many to mention

Tuesday, February 01, 2005

just for fun...

since malapit na ang "Araw ng mga Puso" (tibok-tibok, sound effects pa!), normal na naman ang magpaka-mushy, magpaka-senti, magpaka-corny-(for-the-sake-of-love), pati na din magpaka-grouchy sa ibang mga singles out there. subukan niyo lang itong di-na-bagong pakulong ito. syempre i tried it, for fun lang talaga.

aliw! pramis! :)