eureka!!!
10-minute break...super bilis lang nito. kakatimpla ko lang ng instant coffee. na-miss ko na din ang lasa niya. di naman nakakasawa ang espresso, nakakatamad lang maghugas ng strainer ng coffee maker (ako kasi gumagawa nun eh) saka usually si aris ang nag-pre-prepare ng coffee sa umaga. anyway, habang nagtitimpla ako, nakisabay na naman itong si alfred. sabi ko nga sa kanya, "Paano na pag nawala ako, ma-mi-miss mo ang pagtimpla ko sayo ng kape". hala, sinakyan naman ako at medyo nag-drama. pero ang pinakamatinding plot eh nung matapos ko nang ilagay ang 3 ingredients according to alfred's taste (2:3:3 ratio niya), hinalo-halo ko na sila with hot water. medyo napa-tagal ng konti...napapansin kong napapabilis din ng konti ang pag-stir ko...hanggang sa...*flashbulb*...nag-light si flashbulb at bigla kong nasabi, "Alam ko na kung bakit magnetic ang mug mo. Para di tumapon habang naghahalo kasi pinipigilan nito yung spoon para mag-stay lang sa baba." Aba! nagtawanan ba naman sila ni adrian??? okei, natawa din ako. not because walang sense yung sinabi ko. i do believe isa yun sa reasons. napag-usapan kasi dati yan dito sa dept. isa nga sa reason eh para yung rust or iron na nasa spoon or coffee ay mag-settle sa ibaba at di mainom. come to think of it, merong logic di ba? yung akin din naman eh. tried and tested pa kanina. i asked alfred to test it for himself pero tinawanan niya ako....heh-heh...natawa din nga ako kasi parang...*ting! eureka!*
dahil sa pangyayaring ito, nawala na ang antok ko. 3 minutes ago nag-bell na...back to japanese 101 ako.
35 Comments:
tinatamad pa di nga ako eh. siguro dahil pebrero na!?!?!? ewan, bakit ko ba nasabi yan...puro blog-hopping na lang ginagawa ko.
anong japanese 101?
language course nyo dyan?
wala lang...
nagpalit nga pala ako ng url sa blog ko...
http://psylockesparadise.blogspot.com
nagse self-study ako ng japanese. la na kasi akong gagawin for the week, pero pag dating ng mga hapon sa 15 s0o0o0oper busy na ako. crash-course itoh! heh-heh...
とても面白い
di na nga nagpakilala, di pa maintindihan ang pinost...hmmm...
とてつもない
ayrah,si sir shunji ata yan.. patay! lagot ka.. nag-blog hopping pala si sir.. hmmm.. haha!
ano kaya URL ni sir? para malink ko na siya sa blog ko..
^_*
ps. eureka! aliw..
onga noh...yaiks! lag0at ako...
parang di ata yan si sir.. kasi ung translation ng message niya e "i love you.." ehehe..
sino ba aksi si anonymous na yan.. ang hina naman ng loob para magpakilala..Ü
^_*
actually, ako din toh eh...di ba anonymous???
^_~
Onga! Ako ay ikaw at ikaw ay ako ^_~
yaiks!!!baka minumura na pala ako ng sarili ko?!?!?!
ei! ilan na nga pala ang katauhan ko? Yaiks! Di ko na pala mabilang sa dami.
O_o
anong kayo lang?!? tayo lahat dito ay iisang tao lang..
^_*
ay uu nga pala!pati ako tuliro na sa pinag-gaga-gawa ko...heh-heh
'^_^x
もちろん
Tama ka rin cwazy_aljoe...
^_*
すきだ ^_^;;
ごめん
ambot sa imong lubot anonymous.. unta kay madukalkal imong dagway sa nagakalawang nga dakdakan sa kapayas!
*word for the day: yaiks*
Oi! Chinese New Year pa lang naman ah. Bakit naging Japanese characters tapos may valentines message pa???
sumimasen.watashiwa nihongo no benkyo-shimashita ni-ji kara san-ji han made desu. minasan wa ima hatarakimasu.
tama kaya???hmmm...
hah-hah...i just checked...dapat "nihongo no benkyo shimasu" lang...wow mali! tsk-tsk-tsk...
blooper ng correction: "nihongo no benkyo" lang dapat, la nang shimasu.
haaay...
Uy! buti na lang pala at may magnetic mug, yung flashbulb nandyan pa rin sa ulo mo oh! Nagliliwanag pang lalo.
Gambatte...
=)
nu-ni-nu-ni-nu...
la la la la la...
so desu ka. taihen desu ne.
jejeje...
jumbled na ang mga words sa utak ko.my gulays!
Mochiron!
=)
"watashi wa nihongo o ni-ji kara san-ji han made benkyo shimasu" right? "nihongo wa tanoshii desu ne?"
ayos yan.. kinakausap ang sarili..
sabi ko na nga ba, pareho tayong autistic..
welcome to the club schlieren!
^_*
Ah! Eureka! ulit... Schlieren ikaw rin yata talaga yung anonymous eh. ang sigurado kong hindi ikaw eh yung merong hiragana characters. hmmm... sino kaya yun?????
=)
Matagal na yang autistic hindi lang gaanong halata.
=)
swear, di ako yung nag-post ng sinundan mo.pramis.la pa ako sa particle na "o".impostor yun!
Alam ko kung ilan ang anony mouse dito. bahala na lang kayong humula kung alin ang alin. Witch is Witch. Hu is Hu... hehehe!
Anonymousの本当の名前はなんですか。あの人はだれですかしら。私達に言ってください。
Kakaiba talaga itong si Mr. Admirer... Kanji pa ang gamit... hindi kaya si Sir Adachi yan????
=)
Post a Comment
<< Home