Thursday, January 20, 2005

back to CV (Children's Village)

masaya ang naging saturday ko. almost four months din bago ako nakabalik sa Children's Village (where i previously worked as a kindergarten teacher). kilala pa din naman ako ng mga kagwardiyahn dun, at nag-comment pa na pumayat daw ako (unedited version: "Sumeksi kayo Ma'am ah! Lalo pang gumanda!" ). syempre pumalakpak naman tenga ko. wala naman akong napansing bago sa CV habang paakyat ako dun. kelan kaya uumpisahan ang third cluster, o kaya ang swimming pool, sa isip-isip ko. bakit ba kasi nag-heels pa ako eh alam ko namang bundok ang tatahakin ko. (minsan talaga di praktikal ang babae, for beauty's sake!) una kong pinuntahan ang clinic ni tita ann pero nung wala siya dun, tumambay muna ako sa me labasan kung saan malakas ang hangin. nate-tempt talaga akong pumunta kay Angelo na katabi lang ng clinic ang kwarto. syempre hindi na ako taga-CV. balita ko kasi super kyut na daw siya. 3-week old (premature, 8 months) pa lang siya nung mapunta siya sa CV at sobrang liit at payat na baby. ay meron pala akong napansin na bago...meron nang sofa sa therapy hall pero nahiya pa rin akong umupo doon saka mas presko sa labas. anyways, habang nandun nga ako sa labas at naghihintay, medyo nag-backtrack ako. naalala ko na sa same spot na yun kami naliligo sa ulan ni peacher hana at ni labs (the black labrador). dun din sa place na yun kami nagpapaka-senti watching the sunset! haaaay, nakaka-miss yung mga ganung moments. di ko na kasi magawa dito sa cavite yun. my breather nowadays is this blog. nakita ko din si kuya randy at pinapapasok ako sa loob pero dahil nga likas akong mahiyain (totoo, peksman!), nag-stay pa rin ako sa labas. buti na lang at di umaamoy nung time na yun ang poultry at piggery na malapit dun. sumunod ko namang nakita si chin-chin, ang original pet dog na askal ng CV. mas payat kaysa dati. mukhang nanganak sa isip ko, pero bago ako umalis eh kapapanganak lang nito. hmmmm...nakakatuwa naman at kilala pa din ako. ang ganda na ngayon ng balahibo niya, medyo namula-mula ng konti. wish ko lang magpakita din si labs nung time na yun. maharot pa din kaya?

nadinig ko na sa me hagdanan si lala (dalaginding ni VFL; the manager's daughter), tinatawag niya ang kanyang peyborit pet na si chin-chin. mas inclined ang heart niya sa mga underdogs, lalo na nung dumating si labs at ang isa pang labrador na janus daw ang pangalan. ayun, yakap agad saken. maharot pa din kahit na twelve years old na ngayon (as in today!). according to her, kapapanganak nga lang daw ni chin-chin at ang ama ay yung bagong black labrador na si janus.

si peach naman di nagre-reply sa text ko. samantalang papunta pa lang ako ng CV eh sangkatutak na texts saken, prinepressure at pinapa-guilty pa ako pag di daw ako nakarating on time. hay naku! buti na lang at si kuya marvin (ang hon ni peach!) nakita ako dun at pinapasok ako sakitchen. nandun din sina tita ann at ma'am vicky, nagpre-prepare ng aming lunch. feeling special naman ako kasi parang piyestahan ata pununtahan ko ---> crispy pata, pansit, tokwa't baboy, brownies, and my all-time favorite tiramisu (a.k.a refrigerator cake). buti hindi kami nahilo, 3 crispy pata ba naman ang nakahain! 3 hours ata kami sa lunch table dahil na din sa updates ng mga buhay-buhay at kaganapan. after lunch naghugas si peach ng pinggan habang ako naman ang nagpunas nito. at dahil nasa penthouse (4th floor) kami, kitang-kita ang buong children's village from there. merienda time na nun kaya aktibo na naman ang mga BB (Bantay Bata) kids. tinawag ko si jimuel (kindy student ko) at binalita naman nito na nasa CV si teacher ayrah kaya ayun...daming bata na nangawit ang leeg kakatingala at pilit akong pinapababa. feeling ko naman nung time na yun na andami kong fans, pakaway-kaway lang! actually, gusto ko na silang talunin, kaso nahihiya naman ako kasi di pa ako binibigyan ng go-signal ni VFL na pwede ko na silang lapitan. meron kasing rule na 1 year na hindi pwedeng magpakita sa bata para ma-eliminate ang any form of attachment sa amin ng bata para makatulong sa adjustment period nila. si "gelo" naman dinala sa taas ni tita ann. grabe! sobrang kyutie na! at tumaba na rin! shux, gusto ko na magka-baby...


masaya naman talaga ako kasi nayakap at na-kiss ko ang mga kindies ko...the notorious siblings, john lloyd and ana rose, nayakap ko ng mahigpit! miss ko na talaga sila. si john lloyd nga pala ang nagpauso ng pagtawag ng Peacher Ayrah at Peacher Hana, pero innocent mistake yun! ayun mga kyut at adorable pa rin sila. pinapunta pa ako sa playground kaso nung una ayoko kasi naka-heels ako. nag "circle time" muna kami sa therapy hall. nakakatuwa naman kasi sila pa nag-request nung mga tinuro kong songs at kabisado pa nila ang actions, pero yung lyrics ng english songs ay imbento pa rin nila at labo-labo na. heh-heh. siyempre, di naman talaga ako makakatanggi kaya ayun, lulubog-lubog ang takong ko sa sand at damuhan sa playground. pero okei na yun! kaya lang di ko napuntahan si joshua, my baby. di na kasi ako staff or official visitor kaya di ko na pwedeng puntahan ang bawat cottage. haaay...pero sabi medyo malayo na daw ang nalalakad niya ng walang alalay. meron kasing CP (cerebral palsy) yun. kyutie at matalino sabi ng doctor...oh well, ang importante nakabalik ako dun at nakalaro ko ang mga bata at naka-usap ang mga kaibigan.

haaay...dami ko flashbacks nung araw na yun ---- kindies, sunset, cinnamon rolls, breakfast together, badminton, table tennis, gabi ng mga bata, circle time, practice pag may presentation for the visitors or merong invitations, ligo sa ulan, basketball kahit umuulan, pangunguto ng mga kindies (tuwing outdoor play), swing sa playground, tambay sa me overhang ng building 'til midnight (with candlelight), my own bedroom, tiramizu, videoke at Sitio Lucia, pag-sama sa mga lakad ng bata, ...basta andami!

babalik ulit ako, promise!



0 Comments:

Post a Comment

<< Home