Monday, January 24, 2005

okei sa olrayt!

maganda ang pagbu-bukas ng isang linggo ko. nakasagap ako ng chika tungkol sa buhay-buhay ng mga classmates sa high school dahil nakasabay ko from bus to mrt si malen. nakakatuwa naman yung mga balita, pero meron ding mga shocking na scoop. grabeh! dami nang nagbago --- merong okei, meron ding di okei. di naman pure chismax ang napala ko kanina. actually, i prefer to call it "catching-up". nagkikita-kita pa din ang ilan sa kanila. yung iba naman nasa abroad na. di ko na sila ma-reach! heh-heh.

sa office naman, nakakatuwa kasi di ako inantok...konti lang. in fact, isang beses lang ako nag-coffee. improving! nakaka-adik kasi ang coffee with cinnamon (powder) eh, try niyo minsan. dapat matapang ang timpla at madami ding creamer to match the strong coffee taste. kelangan bawasan ko na ang pag-inom kasi puro caffeine na ang katawan ko. di na ako nakaka-inom ng milk. tsk-tsk-tsk...

onga pala, si autocad ay medyo pasaway pa rin saken. baka nga yung PC ko ang me problema. ganunpaman na-drawing ko na din ang lens mount. medyo madugo nga lang kasi di pa ako expert. meron na naman akong bagong command at feature na natutunan (offset, otrack). natutuwa naman ako sa accomplishment ko for the day. i'm looking forward for more autocads tomorrow! exciting!

saka nga pala, di ako masyado nag-internet ngayon...di ako na-sidetrack! hope i can keep this up. so far, so good. ayos talaga ang monday!

my monday prayer goes like this: (nabunot ko sa collection of personal prayers ng papemelrotti)

My Lord and my God,
take me from all that keeps me from You.
My Lord and my God,
grant me all that leads me to You.
My Lord and my God,
take me from myself
and give me completely to You.

~St. Nicholas von Flue

0 Comments:

Post a Comment

<< Home