Thursday, February 17, 2005

cheese dog at instant french vanilla coffee

nagulat na lang nang mapansing maliwanag ang kwarto pagmulat ng mata. palibhasa'y sanay na madilim ang unang makikita (nakikita ba yun?), kaya nga sinanay na sa gabi pa lang ihanda na ang undergarments sa silya para di na mangapa. kaso, iba nga ang nangyari kanina. 6:20 na nang bumangon. bakit di ko narinig si cell phone? o kaya ang mala-hunchback of notre dame na kalembang ng katabing simbahan? hindi naman kami tumoma sa tagaytay kagabi. medyo (u)m(a)aga pa din naman kaming nakauwi (1:40 am).

kakaiba nga kanina. biglang napa-bangon at sinilip ang kasama na kasabay din palang nagising. naabutan pang mahimbing ang isang kasama sa baba. madalas ko din siyang gisingin sa umaga pag-baba ko ng alas singko kinse. ano pa nga ba? di na siya nakaligo dahil dapat alas singko-y-medya nakaalis na siya.

buti na lang cook ang kasama kong kasabay ko nagising at meron pa akong oras maligo. siya kasi ang kasunod ko sa pila sa CR. di na nagawa ang ritwal sa umaga* at nag-quickie na nga ako.

ang unang gumigising dapat sa mga kalalakihang kasama sa staffhouse, napasarap din ang tulog. dapat mas maaga pa nga siyang babangon para maghugas ng pinagkainan kagabi.

ano nga bang nagyari? kumain lang naman ako ng cheesedog at uminom ng instant french vanilla coffee kagabi. si kasamang cook naman, stuffed pandesal at instant french vanilla coffee din. cheesedog din ang kay kasamang dishwasher. dalawang common factors na di pa rin common sa aming tatlo.

kahit anong pilit ko, di ko mahanapan ng iuugnay si kasamang di naligo. nagpaiwan lang naman siya mag-isa sa bahay kagabi.

baka nga sa cheese dog at instant french vanilla coffee.

kahit ano pa yun, ang importante hindi kami na-late.

UP fair naman kaya kami mamaya? heh-heh.


*p0o0o-p0o0o bago maligo :)

36 Comments:

Blogger chum said...

hi yang! patambay sa blog mo :) the other day kay dream catcher ako tambay eh...uy kapag naglagay ka ng ip tracker pahiram din ha!!! medyo meron me pero yung last 2 digits hindi ko kita...o siya ipagpapatuloy ko na ang pagbabasa...actually madami na rin me nabasa...para akong chinese eh pabaliktad magbasa...oh well...ingat

9:51 AM  
Blogger psylocke said...

yung statcounter.com na binanggit ni anonymous kumpleto yung ip address. ayos nga kasi complete yung stats nila. may pie graph summary tapos pati visitor path at isp nakalist... parang nagpro-promote noh... hehe. mas maganda lang yung itsura ng sitemeter na ginagamit mo. maganda yung greatest journal na ginagamit ni moowagirl kasi built-in ata yung ip tracker. nililista nya yung ip address ng mga nagco-comment. hehe. btw, baka yung isang anonymous na nagbanggit ng statcounter ay si dreamcatcher din. kasi may statcounter sa blog nya eh... hmmm. Ü

10:31 AM  
Blogger krazy_aljoe said...

naks naman,nandito na pala si chum! lipat-tambayan tayo ah..Ü teka, di ako ang nagpromote ng statcounter.. aktwali, di ko alam na ganun pala ka-powerful ung statcounter. napili ko siya noon kasi simple lang ung counter sa monitor. lately ko lang nalaman na astig pala ung features niya. hehe..Ü

hemingways, bakit nga pala late tayo nagising kahapon no? di naman tayo naglasing? noon nga late pa tulog antin pero on time ang ating gising.. hmmm.. must be the air in tagaytay.. no? iba iba naman kasi kinain natin e.

watdyathink?

^_*

10:42 AM  
Blogger schlieren said...

go lang chum...LIBRE ang tambay dito.
meron ba kayong baraha???
"rape", trumps tayo!!!

10:51 AM  
Blogger schlieren said...

tagaytay air nga siguro aljoe (yiaks, parang di ako sanay sa "aljoe"!) kaso pano naman si kuya jojo???

10:53 AM  
Blogger chum said...

Yang,
grabe super miss ko na college!!! AS IN! yah nasa UP nga ako (duh since birth!) pero miss ko pagiging college...miss ko na rin yung tamabayan...yung rape...si mang mon...si manang na nagtitinda ng banana que...yung padlock na after 10 years pa bago ko mabuksan...haaay....

12:33 PM  
Blogger chum said...

dreamcatcher,
heheh lipat tambayan nga...dito naman ako makiki"chat" heheh

12:36 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

honga, si kuya jo nga pala.. hmmm, cguro ung inexhale nating hangin sa bahay ay may traces pa ng tagaytay air.. o baka may umutot lang.. hehe..

chum, tambay lang nang tambay.. tapos laro tayo ng unggoy-unggoy.. tapos si ayrah ung mascot na unggoy.. nyahaha!!! pis po ate ayrah..

grabe, nabitin ako kay mama shan cai.. :(

1:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

I think common sa inyo yung coffee. Caffeine is a mild stimulant, when intake is abruptly stopped, it causes fatigue and drowsiness. Baka nag-coffee spree kayo. hehehe!

^_^

2:49 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

ows, trivia ba yun anonymouse? san na ang ibang anonymice? bakit ikaw lang ang nandito?

3:08 PM  
Blogger あのにます said...

Aa, sabi ni psylocke ikaw daw yun. Bistado ka noh kaya di ka makapag-post as anonymous.

^_~;

3:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

anonymous #2, malamang na di si krazy_aljoe yun kasi bisaya yan at hindi japanese.

>_<;

3:46 PM  
Blogger schlieren said...

wawa naman yung isang bata...
nakikisubaybay ka pala ke anonymous! heh-heh...

4:10 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

anonymous scandal exposed:

anonymous # 1 = _ _ _ _ _

anonymous # 2 = _ _ _ _ _ _

anonymous # 3 = _ _ _ _ _ _ (ung naghahapon)

fill in the blanks na lang.. ehehe..

4:40 PM  
Anonymous Anonymous said...

Will the real Anonymous please stand up?

4:40 PM  
Anonymous Anonymous said...

Don't worry mara... 24/7 ang existence ko.

^_^

4:44 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

sorry mara, di po ako yun.. di pa ako nag-a-anonymous sa blog..

i'm always out! haha.. yikes!!!

^_*

5:03 PM  
Blogger schlieren said...

it's a revelation!!! 6_6
alfred is out!!!
ho-no!!!

i've always known naman eh.
confirmed.period.

5:36 PM  
Blogger schlieren said...

teacher mara, teacher mara!!!

di ako nag-e-entertain ng sikwet admirer eh.

:D

5:39 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

ako? bading?

charing!

^_*

teka, bakit ung isang anonymous alam na bisaya ako... hmmm. either si ***** o ****** lang yan..

pangalanan ko na ba ang mga anonymice???

^_*

5:46 PM  
Anonymous Anonymous said...

Naku paano na yan eh di si jwnsa magpapakilala na, that leaves only one anonymous.

Hah!hah! I'm the King of the Hill!!!

^o^

5:49 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ang hilig po kasi ninyong mag-bisaya. di ko maintindihan! wala ni isa mang translation dung. wehehe!

5:51 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

Eto na, dagdag clues..

anonymous 1 = may letter 'R' sa name

anonymous 2 = may letter 'R' sa name

anonymous 3 = may letter 'R' sa name

^_*

5:54 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

mara, di na pala nag-eentertain si schlieren ng admirers ngaun.. meron na kasi syang bago..

isang hapon?!? biruin mo?!? hapon?!?

5:58 PM  
Blogger schlieren said...

tsismoso talaga tong si aljoe!mga charing talaga mahilig sa intrigues!

6:01 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

eto pa,

anonymous 1 = may letter 'A' sa name

anonymous 1 = may letter 'A' sa name

anonymous 1 = may letter 'A' sa name

^_*

6:19 PM  
Blogger あのにます said...

WOW! Krazy_aljoe, tatlo na pala ang anonymous #1

5:08 AM  
Blogger chum said...

syempre nalost ako sa pinagusapan niyo..mweahaha...

1:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ello chum, just curious, game po ba yung "rape"? Is it legal? Paano yung mechanics?

o_O?

4:38 PM  
Anonymous Anonymous said...

Nais ko ay magpakilala sa iyo
At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko
Mauunawaan mo kaya
O baka sampalin mo lang ang aking mukha
Nagdadal'wang isip na
Huwag na lang kaya
Huwag na lang kaya

1:25 PM  
Blogger あのにます said...

Hi! mara, hindi ko pa rin alam kung matutuwa ba ako sa reslt nung test. Nadagdagan pa. Geek na rin ba ako? Huh!hUh!

~_~!

Mabuti na lang anonymous pa rin ako. weheheh!

^_^

2:42 PM  
Blogger krazy_aljoe said...

may confirmed anonymouse na ako.. at umamin na siya sa akin..

papangalan ko siya sa pagbabalik ng...

THE BUTT!

^_*

4:34 PM  
Blogger schlieren said...

abangan niyo, babalik daw si alfred.
wash lang siya sandali...

^_~

4:41 PM  
Blogger あのにます said...

Hah! jwnsa, kilala na kita.
Kahit di pa man tayo nagkita.
Nasagot ko ang misteryo,
Ng anonymous na tao.
Ikaw, kilala mo ba ako?
Eto lang, ang masasabi ko.
Maari kang manghula,
Mamili sa buong madla.
Nasa paligid lang ako.
Nakamasid sa kahit sino.
Ang bawat isa sa inyo
Naging tauhan ng aking kwento.
Isang kabanata sa aking buhay
Na kailan ma'y di maiwawalay.
At para sa naman kay Schlieren,
Na nagbigay buhay sa akin,
Maraming salamat sa iyo.
Binago ang inog ng buhay ko.
Di mo man ako makilala
Sana'y manatiling isang ala-ala,
Maaaring mamaalam ako sa iyo.
Pero umaasang magkikita rin tayo.

Anonymous...

@??

さよなら

7:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

Ui, tindi mo anonymouse, Does it mean that ako na talaga ang matitirang anonymous dito? weheheh!

^_^;

8:23 AM  
Blogger あのにます said...

Yaiks! may nakalimutan pala ako. Yung smiley... heheh!

^_^

12:59 PM  

Post a Comment

<< Home