Wednesday, February 09, 2005

spaghetti ni nanay

ilang oras na lang ang nalalabi...hindi mo na ako mailuluto ng iyong pamosong spaghetti-con-tahong. sayang, hindi na matitikman ng mga bago kong kaibigan ang luto mo. siguradong-sigurado ako na magugustuhan din nila ito. ang pinakahuling mapalad na nakatikim nito ay mga kasamahan ko pa sa CV, isang taon na bukas ang nakakalipas. kahit pa nga allergic sa seafoods ang iba, napakain pa din. natatandaan ko, dalawang pebrero ko din nga pala pinagdala nito ang mga tao sa LC lab at talaga namang hiningi pa nila ang recipe mo. pero ako, hindi pa rin marunong magluto nito. hindi ko kasi tinandaan nung binasa ko ang recipe na binigay ko sa labmate ko eh. malayo kasi sa isip ko nun na dadating ang panahon na di mo na ako mapapagluto. nasanay at umasa kasi ako sa sobrang pag-aasikaso mo.

si tatay na lang ang tatawag sa akin bukas. hindi mo na ako mababati. hindi mo na ako maki-kiss. hindi na kita maki-kiss.

miss na miss na kita...


kahit na walang spaghetti...



sobrang miss na kita...

Labels:

3 Comments:

Blogger schlieren said...

salamat :)
haaaay...

5:21 PM  
Anonymous Anonymous said...

hape berdey to yo!
hape berdey to yo!
hape berdey
hape berdey

hape berdey to yo!


- pnut gritil

11:57 AM  
Blogger schlieren said...

shalamat grethz!di PA ako lashing ha. nakagat ko lang dila ko =p

12:15 PM  

Post a Comment

<< Home