Bob Ong wisdom (on love)
I received this email from Ana (my faithful clicker. wink-wink) yesterday but I didn't read it entirely. Not until last night when Karen, Edith and I had dinner at KFC was this email brought about. Ruby followed a little later and the topic was brought up again. I can't fully relate with them because I only remembered #19 but I can surely tell it's so0o0o0o darn funny with how they "laughingly" recite the lines that stuck to them. Well, just wanna share them. Have a good laugh!
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”
2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o gwapoo. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
I never owned a Bob Ong book but I got to read Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Mga Pilipino? (Why do Filipinos read books upside down?) (Don't get us wrong folks, we Filipinos read books like normal people do!) and A B N K K B S N P L A Ko?! (Wow, I can really read now?!). I borrowed them from Gretz who is an avid collector of his works.
Only after deciding to post this in my blog did I know (by searching the net of course!) that Bob Ong's identitiy is protected by his publisher. Wow, after his bestseller books he remained anonymous?!?! Amazing! I think he is one person the papparazzi should seek after.
This blog entry left me wondering now...Is he a Tsinoy? What amount of loyalty would keep his peers' mouths zipped about his identity? (Kudos to them!)Do they know him as Bob Ong in the first place? Why is he keeping his identity a secret? How would he feel if suddenly he's true identity is revealed...by a squealer? Will it bother him?
Okay, 'nuff of these. Whether Bob Ong goes public or not, it doesn't matter. Let's just enjoy his books. Which reminds me, I should borrow Stainless Longganisa from Gretz.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home