Thursday, March 31, 2005

para sa mga annoyingMICE, este anonyMICE pala!!!

!!!B-E-W-A-R-E!!!


have you all met my pet wyzzz???

mag-a-adopt pa ako nang isang fierce pet --- isang big cat!!!

bwahahahahahahaha!!! (evil laugh)

magtago na kayo sa lungga niyo!


effect ba???

blog lang kayo ng blog dyan...

heh-heh =p

feeling goofy

Image hosted by Photobucket.com


testing...from photobucket yaiks! bucket ngayon ko lang trinay ito? gawain ko kasi copy-paste nung mga naka-ready na nilang html code eh. mas madali pala ito. tsk-tsk-tsk...


this is not our best pose. happened on alfred's birthday celebration (1/10/05) at the staffhouse. kung meron kayo gusto makilala diyan sabihin niyo lang saken. =p


heh-heh...pakyut ako! =p

Tuesday, March 29, 2005

guilty pleasure

#1: catching-up with old friends sa makati. matagal na din kaming di nagkikita-kita. halos isang taon na din. disappointed pa naman ako kasi hindi mag-o-overnight yung isa kong kaibigan dahil meron siyang lakad kinabukasan.

#2: sight-seeing ng mga kalbaryo sa makati. pabonggahan ito taon-taon. pinapasara pa ang bawat kanto dahil dun itinitirik ang mga kalbaryo.

#3: visiting relatives --- tita, cousins, inaanak-na-di-ko-pa-nabibigyan-ng-pamasko.

tsk-tsk-tsk...ito dapat ang mga nangyari nung biyernes santo. pero ano nga ba ang totoong nangyari?

nag-imbita ako ng mga kaibigan para makapasyal sa makati. maganda naman talaga dun tuwing holy week, hindi ka mag-sisisi sa pagpunta. yung isa, kagagaling lang sa swimming kaya pagod. yung dalawa naman, inaya ako sa swimming. so, ano pa ba? text ako agadkay friend at cousin na hindi ako matutuloy. di sila nag-text back. well, what do i expect? my baAaAad...

sumama ako sa mga dating workmates ko from ABS-CBN. free ride, free swim. konting gastos sa dinner along the way. nice beach. laiya, san juan, batangas. sa la luz! napag-alaman ko from alfred na doon pala nag-extra challenge kamakailan lang (nung guest host si pops!). wow, sosi pala kami!heh-heh. met a new friend, si kuya macky, who now works for GMA! met college "dudes" (puro "dude" at f-word kasi mga exclamation nila eh!) by the beach nung gabing dumating kami. rich kids (magallanes), cuties, and high! ang mga ever-protective guys na kasama namin eh naki-join at nakakamoy ng mabangong halimuyak sa beach na nagmumula sa grupo nilang nagtulos ng kandila malapit sa amin. mabango naman ang damo, in fairness. di ko nga na-recognize yung amoy eh. sinabi lang saken ni peach after namin bumalik sa cottage at makipag-usap sa kanila.

kinabukasan na lumangoy. di mainit ang panahon at sa katunayan ay paambon-ambon pa nga. picture taking kami sa rockies sa dulo ng beach. at dahil kasama namin ang photographer ng ABS-CBN Foundation, astig ang mga shots! kung di nga lang ako mahiyaing bata eh di nagpose na ako at nag-project sa camera! puro stolen shots lang ang saken. pero ang galing talaga ng eye ng photographer! basta, pag nakuha ko na yung cd copy ko, post ko dito yung pang-friendster pix ko! papalitan ko na din si blog pic :)

4 na kami nakaalis. stop-over ulit sa mcDo. dinner sa Gerry's grill malapit sa ABS, daan muna ng AFV HQ, tapos hinatid ako sa SM North Annex kung saan ako sumasakay ng fx pauwi. nag-enjoy talaga ako. yun nga lang, next friday pa ang sweldo. heh-heh.



kelangan mag-isip kung paano ako makakabawi sa mga inindyan ko.

Wednesday, March 23, 2005

markado na ang petsang ito

Wednesday.
March 23, 2005.
.
.
.
.
.
.
.
:)

thank you po

But He was wounded for our transgressions.
He was bruised for our iniquities;
the chastisement for our peace was upon Him,
and by His stripes we are healed

Isaiah 53:5

Monday, March 21, 2005

onga pala...

may isang magandang morena
naka-bun ang ayos ng buhok
suot niya'y orange na tube dress
lime green flats
tumalikod sandali
medyo yumuko
inaayos kasi ang tube
kasi medyo bumababa na

pero sa totoo lang
ang una kong nakita ay
isang paper doll pattern
dahil na rin sa detalyado
ang mga kasagutan niyo
kaya ganyan ang naging sagot ko

lahat naman tayo tama :)

Thursday, March 17, 2005

realisasyon

President --- ang 1st honor
Vice President --- ang 2nd honor
Secretary --- maganda ang penmanship; kadalasan babae!
Treasurer --- best in math o kaya mayaman
P.R.O. --- maboka o magaling mag English
Auditor --- ??? basta ang sigurado sikat ka o kaya nasa top 10
Sgt. at Arms --- matapang/mataray dapat kasi nagpapatahimik ng klasmeyt
Muse --- crushness ng klase; ligawin
Escort --- dreamboy ng klase

naalala ko tuloy nung grade school. madalas yun ang posisyon ko sa klase. naks! sikwet. buti naman naiba nung high-school, nakakasawa na kasi eh. naging "muse" naman! tsk-tsk-tsk...

siyempre ang kapal naman ng mukha ko no. di rin ako kasama sa honor roll kaya hindi ako naging officer sa 4 na taon sa high-school. hindi naman ako sour-graping nito.

teka, ano nga bang kabuluhan ng post na ito? kasi ganito yun. kahapon merong bisita dito sa kumpanya. meron kasing audit ng achu-chu-chu. basta merong audit. bigla ko lang napaisip ang mga botohan ng class officers nung nag-aaral pa tayo. wala kasi akong natandaan na "job description" ng class auditor eh. parang tinanggap ko na lang na merong auditor na slot sa class officers at kelangan mong mag-nominate o bumoto ng kaklase. sa isip ko kasi wala lang yun. bahagi na ng tradisyon at sistema pero di ko inalam ang halaga nito. eh sa wala naman talaga akong natatandaan na ginagawa ng auditor eh. ang president, nag-sa-sub ke teacher kapag aalis lang sandali dahil me emergency meeting. si vice naman, sub ni prez kapag absent. si secretary naman taga-kopya ng lecture ni ma'am kapag tinatamad magturo. si sgt.-at-arms ang taga-lista ng maingay sa blackboard. iniiwasan naman ng lahat si treasurer kapag singilan na ng fine dahil nasa "noisy" ka o kaya nag-salita ka ng Tagalog gayung English Week ang okasyon. si auditor, wala lang. wala talaga akong maalala na inaatas sa kanyang trabaho, pramis! P.R.O. naman ang pormo-boy/promo-girl. sina muse at escort, mga pa-kyut.

i therefore conclude na ang mga auditor pala ay parang mga inspektor. kikilatisin ang mga dokumento. kung kumpleto ba ang records, ayon ba sa standard format, me sistema ba? at pare-recite-in ka daw minsan, random, ng company policy.

ayan, nadagdagan na naman ang kaalaman ko! klap-klap-klap para saken!

pero bakit parang laro lang sa klase? titulo lang. parang wala lang? sa school lang ba namin ganun?

Wednesday, March 16, 2005

abangan...

ang kasagutan sa misteryosong
"Abstract --- for Your (Autistic) Eyes Only".
hinintay ko lang na mabasa ito ng pinatutumbukan ng aking obra.
nabasa na naman niya ngayon subalit kailangan ko na ring makauwi
dahil miyerkoles na naman ngayon at ako na naman ang toka sa pagluluto.
kaya pwede pa kayong mag-submit ng entries ng tamang sagot!
extended up to march17! magmadali! sali na!
malamang ay sinubukan mong tingnan ito
sa ibang anggulo. ibang perspektibo.
sabi mo sa sarili,
"ano naman kaya ang nabuo nito?"
heh-heh...aminin na.
pinagana na naman ang autistic eyes sa isang ito
sa katunayan, wala naman talaga...
nagbakasakali lang ulit.
baka meron na namang ma-hulma!
oi, umamin ka na!
pero sa isang banda
ang art naman ay parang beauty
ika nga,"it's in the eye of the beholder"
maaaring meron kayong makita
na di namin nakikita
(wag lang sana mumu!)
malabo ba? mata mo lang yun!
kung di maarok, ipagwalang bahala na
o siya, makauwi na nga.


Tuesday, March 15, 2005

kamote Q

sad naman talaga
pabalik-balik na nga
paulit-ulit pa
minsan naman tsumastsamba
sa chatterbox nangamusta
ano ba kasi ang problema
di ako maka-post
di rin ma-load ng maayos
tanging sa yong sapot-pahina
okey naman pag kay D.U.K.H.A. (/sa iba)
kaya dito na lang
sa sariling pahina
ihahayag ang
nais sanang ipabasa...
(oo sa iyo...isip kamote)
hala, lagot di na maalala
yung pinakahuli na lang
isusulat ko sana "You rock!"
pero hindi sana ako masapak
dahil nilimot mo na nga pala
maging "rockstar" ay ayaw na
marahil iniisip mo
wala naman itong kwenta
wala rin itong kwento
nasayang lang ang oras
sa binasang walang katas
paumanhin, pasensya na
sana sa susunod na pagbisita
makapagkumento na ako
sa iyong sapot-pahina
para di na mag-panggap na makata
(nangamote tuloy ako)
sa di sinasadyang pagkakataon,
nagmistulang "art" ang aking obra
para kay isip kamote...
naaliw tuloy ako kaya kinulayan ko na ang mga titik
yung mga merong "artistic eyes" lang ang makakakita nito... :D

Monday, March 14, 2005

yey!!!

yey#1: arrived at 7:59 a.m. at the company. S-A-F-E!!!

yey#2: i managed to survive a coffee-less day at the office (but not at home) , despite the eye-drooping drowsiness i'm into the whole day.

blah-blah-blah...home early...sleeeeeeeeep...

Friday, March 11, 2005

naglalaway

sa burger ng brother's burgers...
sa may ELJ tower sa ABS-CBN...
(dun pa lang kasi ako nakakita ng brother's eh...:) )
kasama si peach...
(siya ang nag-introduce saken, masarap daw...
tama siya, medyo namamahalan lang ako...)
pero kahit na...
ilang linggo ko na din ito dinadala...
hinahanap-hanap ng panlasa...

kaso malabo pa rin na dayuhin ko pa :(
haaaaay...

happy weekend sa aten!
ikain niyo na lang ako ng brother's burgers :)

Tuesday, March 08, 2005

klap-klap-klap

asteeeeeg si clar!
kita ko ito sa blog ni cool clint
gleng-gleng talaga.
si clar po ay cum laude graduate ng NIP UP-Diliman.
em so proud of her, kahit di kami close.

Clarina dela Cruz: PhD Student Nears Her Goal sa University of Houston


*klap-klap-klap*

mushy song #1

A thousand eyes looking at me
But yours is the look that goes right through me and I
Cannot Hide from your stare
Should I let you in - do I dare

Some other hands have tried before
But yours is the touch that makes me want more and I
Cannot hide the urgency
To have you here lying with me because

Suddenly in my life
There's something that's got me mystified and I
Cannot fight it but I can try
To keep the wonder of it alive

A thousand words have tried to say
But yours are the ones that'll never fade away and I
Cannot hide from their sound
I am mesmerized spinning round and round and

Some other hearts have tried to steal mine
But yours is the one that I now hold dear
I'll do what it takes to keep you here
I'm a selfish fool and I have no fear

Suddenly in my life
There's something that's got me mystified and I
Cannot fight it but I can try
To keep the wonder of it alive

A thousand times I've tried to stay
Alone by pushing you away
Time after time and tear after tear
I find myself back here with you

A thousand visions have come to me
Promising serenity
And as I struggle to find the source of this peace
I always end up with your kiss

Suddenly in my life
There's something that's got me mystified and I
Cannot fight it but I can try
To keep the wonder of it alive

Suddenly in my life
There's something that's got me mystified and I
Cannot fight it but I can try
To keep the wonder of it alive

Artist: Soraya
Song Title: Suddenly
Album: On Nights Like This

Labels:

Friday, March 04, 2005

plashbak sa LC lab

yehey!!!after almost a year ay makakapaglakad na ulit ako sa UP. bukas kasi meron kaming imi-meet para magpa-photocopy ng mga kalibruhan mula sa silid-aklatan ni mang melchor. sunod nun ay papa-buk bind naman sa SC.

nakaka-miss ang college. sa totoo lang ang nami-miss ko ay ang mga overnights namin sa llamas. nagpapanggap na magti-thesis para lang makapag-starcraft. the best, intra- or inter-lab kami nun! pinakamagaling ata ang laser lab noon! isang beses nga parang naging girls' night --- si claire, si ate liza, si ate claire, ako. lahat kami protoss! sino nga ba kalaban namin nun? kompyuter ata. dati din inaabangan ang lunch break, pwesto agad sa battle stations. natapos ang maliligayang sandali nang magpalit na ng direktor. naging istrikto, kelangan mag-log sa web para makapag-obernayt. nu nga ba nangyari? basta, nawala si starcraft. :(

andyan din ang malalamig na sandali papunta ke mang bogs, ang me ari ng pishbol stand sa tapat ng narra (namatay na ata siya :( ). sa madaling araw kapag tomguts na si marko o kaya si isip (pangalan/apelyido ito), sisilip na sa LC lab at mag-aaya dun. kahit di naman gutom, sasama pa rin para lang maalis ang antok. pero kapag ginaganahan sa jet-li forum o kaya sa anime chat, isnab ko talaga sila.

naka-surbayb sa dinner instant noodles, KDO (kafe de oro) sticks at sa almusal na tuyo at sinangag sa aristokart! nakakamay pa kung kumain. syempre, andyan din ang masarap na diskoberi ni claire, ang obernayt partner ko, na Choco-bis. pag sinawsaw sa 3-in-1, ay naku naman! magkaiba sila ng oreo dunk kaya di sila pwede paghambingin. basta, masarap. lahat ng nabanggit, maliban lang sa almusal ng aristokart, ay mabibili sa mercury drug sa philcoa. nung nalaman ko na meron palang suki card ang MD nanghinayang ako kasi hindi ako nagkaroon nun. nakakuha na sana ako ng rewards sa dami ng puntos.

dahil sa paniniwalang nakakalabo ng mata ang pagligo nang di natutulog, saka nakakasama din ito sa katawan, iidlip muna kahit na kalahating oras para lang maging valid maligo. sa kabilang kwarto ng lab masarap matulog kasi merong isang nook doon, complete with kutson. pag patak ng alas-kwatro, manginginig talaga sa lamig ng tubig sa cr ng faculty (panget dun). maaga ba? oo kasi baka maabutan ng isang senior researcher (head na ata siya ngayon ng isang lab dun) na dun na ata nakatira sa llamas eh. naninipa yun ng pinto ng cr sabi ni manang guard kapag naabutan ka niya.

thesis break din ang pagchi-chikahan sa "poolside" (harap ng llamas) o kaya naman ay pagtambay sa sunken. ang lamiiiiig kaya naman napapa- _ _ _ _. sikwet!

baka isipin niyo naman puro starcraft at internet lang ang obernayts. seryoso din naman. nagkataon lang na ang isang run sa DSC ay inaabot ng mga kalahating oras o higit pa. tapos palalamigin pa yun. kaya para di masayang ang oras, internet muna!

grabe, reminiscing ito.

Wednesday, March 02, 2005

buntong hininga 3 na ata ito

pause muna ako. 36 minutes bago mag-uwian. ako ang toka ngayon sa pagluluto pero di ko muna iniisip ang menu ko. mamaya na lang sa dyip. kelangan ko lang ulit mag-unload. kakaiba ang timpla ng isip ko simula kagabi. paranoid. ewan ko ba. ganito na naman ako kasi nag-pile-up na naman ang mga maliliit na sama ng loob ko. haaay...halo-halo na naman sila. ito na naman ang mga times na wini-wish ko na sana "mataray" ako para mailabas ko sa mga piplets na ito ang nasa loob ko. ayoko kasi talaga ng mga komprontasyon. yun nga lang, naiipon at ako din ang nabuburaot dahil kinikimkim ang mga ito. bilib nga ako sa mga tao who "speaks their minds" pero not to the point na brutaly frank na sila. yung mga sensitive pa rin at marunong at alam kung kelan gamitin ang subtlety. haaay, wish ko lang talaga mataray ako, kaso baka nga maging brutally frank naman ako nun at madami na akong makaaway. ang labo ko talaga.

meron kasi akong isang "sensitive spot" sa sampung-milyon-atang spots sa aking pagkatao. isyu ba sa sarili na hindi ma-resolve-resolve. isang uri ng bondage. di ako pinapahintulutang makausad. meron din namang pagkakataon na akala ko okey na ako, kaya ko na. pero puro mga panandalian lang. babalik na naman sa umpisa. tsk-tsk-tsk...

kung kaya ko lang sabihin sa kaniya, sa kanila, o sa kung sinoman, "Pakiusap, itigil mo na. Hindi mo ako natutulungan". ang kaso, sa isip ko lang yun nagagawa. parang nire-rehearse at nire-replay pa, kaya lalong mas nakakaburaot. naiinis ako sa sarili ko. pati na sa kanya, kanila at sa kung sinoman.

yung isa pa...sabi nga nila opismates sa kantong translation ng pagiging paranoid--- ka-praningan. di naman ako usually ganito. dito lang. akala ko naka-adjust na ako. akala ko lang pala.

marahil di niyo nga ito naiintindihan. okey lang yun. :) kelangan ko lang talaga itong ilabas kahit papaano.
sa mga oras na ito, gusto kong mangyakap ng mga bata. gusto ko ding yakapin nila ulit ako, kahit na magkatumba-tumba pa kami dahil sabay-sabay sila. di ako makukulitan ngayon, pramis. mga kindies ko, musta na kaya sila? nami-miss kaya nila ako? pakiramdam ko mkakatulong sila sa akin ngayon. wala akong pake, isipin niyo na na senti at ma-drama ako. bahala kayo...ayan na, umandar na ang ka-praningan ko.

gusto ko munang magpahinga. di naman pisikal pero okey din kung ganon.

gusto kong manahimik ang isip ko. walang aalalahanin, kalmado.

kahit kaunting minuto lang.

pag nagawa ko ito, tsaka ako magsisimula.

sige, puputulin ko muna ang aking buntong hininga. kelangan nang umuwi, maghuhugas pa pala ako ng pinggan.

Tuesday, March 01, 2005

meet our company pets (no more)

first there were 8, now only 2 remained. one white, si "tiny" kasi siya ang pinaka-bulilit sa lahat (malnourished), one with spots. akin yung merong spots, di ko maiuwi kasi layo ng travel (cavite-bulacan). di pa siya nabibinyagan, la pa kasi akong maisip eh. feel free to suggest a girly name.

kids ni seiki, our company dog


"peek-a-boo!!!"
"alin, alin, alin ang naiba?..."

seductive look(oi, ang landi!)

"call the animal rights hotline pleeeeease"







now, meet the parents...

ito nga pala ang ama (nalito ba kayo? sobrang magkahawig ano?!)











ito naman si inay (ku puuuu!!!)













style po yung pagkaka-lay-out nitong entry na ito, fyi.
(uy, palusot!heh-heh)

Labels: