Wednesday, March 02, 2005

buntong hininga 3 na ata ito

pause muna ako. 36 minutes bago mag-uwian. ako ang toka ngayon sa pagluluto pero di ko muna iniisip ang menu ko. mamaya na lang sa dyip. kelangan ko lang ulit mag-unload. kakaiba ang timpla ng isip ko simula kagabi. paranoid. ewan ko ba. ganito na naman ako kasi nag-pile-up na naman ang mga maliliit na sama ng loob ko. haaay...halo-halo na naman sila. ito na naman ang mga times na wini-wish ko na sana "mataray" ako para mailabas ko sa mga piplets na ito ang nasa loob ko. ayoko kasi talaga ng mga komprontasyon. yun nga lang, naiipon at ako din ang nabuburaot dahil kinikimkim ang mga ito. bilib nga ako sa mga tao who "speaks their minds" pero not to the point na brutaly frank na sila. yung mga sensitive pa rin at marunong at alam kung kelan gamitin ang subtlety. haaay, wish ko lang talaga mataray ako, kaso baka nga maging brutally frank naman ako nun at madami na akong makaaway. ang labo ko talaga.

meron kasi akong isang "sensitive spot" sa sampung-milyon-atang spots sa aking pagkatao. isyu ba sa sarili na hindi ma-resolve-resolve. isang uri ng bondage. di ako pinapahintulutang makausad. meron din namang pagkakataon na akala ko okey na ako, kaya ko na. pero puro mga panandalian lang. babalik na naman sa umpisa. tsk-tsk-tsk...

kung kaya ko lang sabihin sa kaniya, sa kanila, o sa kung sinoman, "Pakiusap, itigil mo na. Hindi mo ako natutulungan". ang kaso, sa isip ko lang yun nagagawa. parang nire-rehearse at nire-replay pa, kaya lalong mas nakakaburaot. naiinis ako sa sarili ko. pati na sa kanya, kanila at sa kung sinoman.

yung isa pa...sabi nga nila opismates sa kantong translation ng pagiging paranoid--- ka-praningan. di naman ako usually ganito. dito lang. akala ko naka-adjust na ako. akala ko lang pala.

marahil di niyo nga ito naiintindihan. okey lang yun. :) kelangan ko lang talaga itong ilabas kahit papaano.
sa mga oras na ito, gusto kong mangyakap ng mga bata. gusto ko ding yakapin nila ulit ako, kahit na magkatumba-tumba pa kami dahil sabay-sabay sila. di ako makukulitan ngayon, pramis. mga kindies ko, musta na kaya sila? nami-miss kaya nila ako? pakiramdam ko mkakatulong sila sa akin ngayon. wala akong pake, isipin niyo na na senti at ma-drama ako. bahala kayo...ayan na, umandar na ang ka-praningan ko.

gusto ko munang magpahinga. di naman pisikal pero okey din kung ganon.

gusto kong manahimik ang isip ko. walang aalalahanin, kalmado.

kahit kaunting minuto lang.

pag nagawa ko ito, tsaka ako magsisimula.

sige, puputulin ko muna ang aking buntong hininga. kelangan nang umuwi, maghuhugas pa pala ako ng pinggan.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tahoooooooooooooo!
una sa lahat dun sa mga nagbibintang na ako daw ung isang anonymous...NAGKAKAMALI KAYO! wala kayong ibidinsya...kakasuhan ko kayo ng libel

bakit nga ba ako nand2...ah! ok!

neng ira...
kumbaga kay ninoy, hindi ka nag - iisa...marami kayo...este marami tayong, "napaparanoid", "naprapraning", "na-ookray". normal yan para sa mga matatalinong tao (ehem) at taong may damdamin at hindi manhid (ehem ulet). And since, medyo na-susupress (sana tama ang spelling ko?) lumalabas yan as utot ng kalooban, either mag isip ka ng mag isip, magdabog ng magdabog at higit sa lahat ang pinaka usual sa ating mga girlalu eh mag cry cry(which is a good time to make labas labas the inside)so maghanda ka ng sangkaterbang tissue o kaya manghiram ka ng diapers muna jan...
at lately lang, eh ganyan ako...(hanggang ngayon pa ata)...o well, ganun talga ang life...minsan hurting, minsan yapi, minsan angry, minsan shy...

you'll get over it...

paano?
isipin ang lahat ng magagandang bagay na nangyari sa iyong buhay...
lalo na ung mga simpleng katangahan na comedy ang dating,
isipin mo rin na hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan,
isipin mo rin ang kanta ni alicia susi na karma, isipin mo rin kailangan mong maging matatag,
isipin mo kung medyo manhid sila...eh mas manhid ka noh...walang pakielaman!
isipin mo ang mga rock music at wag ang mga mellow music lalo kang mag eemote nun, at iyon ang iyong patugtugin,
at isipin mo rin na mahaba na ang comment ko para sa unsolicited advice ko para sa iyo...na sana kahit d2 makatulong ako sa iyo...*sniff* *sniff* hatchung!

6:42 PM  
Blogger schlieren said...

salamat grettahH! ;)
tama ka nga, di lang naman ako ang nagkakaganito. pero gusto ko pa ring maging "mataray" para masabi ko in the face sa kanya na "Shut up, please!" (meron namang please eh)
anyway,basta, shut-up na lang muna ako as usual.

teka, nagbla-blog ka pa ba? or blog-hopping na lang (aS Anonymous #?)? kasi last time na andun ako sa blog mo in-announce mo na iistap ka muna eh.

???

7:55 AM  
Anonymous Anonymous said...

hmmmm kantahan mo na lang ng shut up ng black eyed peas...(korni ko!wabe!)

ayoko nang magblog...
ayoko nang magblog...
as in ayoko nang magblog...







but on second thought...








i have plans of returning back








ewan naguguluhan pa ako eh...




and im still in a stage of catatonia...(anu un?)

blog hop?

once in awhile...sa mga nakaw na sandali ng pagtratrabaho...pag urat na urat sa dami ng work instruction at pecture ng assy...yun

11:43 AM  
Blogger krazy_aljoe said...

hmmm.. ang lalalim ng pinag-uusapan.. di ako sanay.. waaahh!!!

joke..Ü

tama ka gretah, life is too short para sa mga kaartehan sa buhay.. dapat lagi masaya.. at dapat di lagi praning (ok lang paminsan minsan para masabi mo naman sa mga apo mo na minsan ay naging praning ka rin).. at lahat naman ng bagay ay napapag-usapan sa mabuting paraan.. at hindi 'katarayan' ang solusyon sa kapraningan o kung anumang issues sa buhay..

at higit sa lahat, mahaba na ang comment ko at record ito para sa akin..

un lang.. at para sa mga anonymice, next time ko na kayo i-eksposey dahil may nasasagap akong ibang signal.. bagong network ata ito.. di ko pa sure..

okidoks, ako'y sign off na dahil magluluto pa ako sa bahaus..

babay!!! god bless!

^_*

5:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

aba c brother alfred nagsalita na...
wala na akong maidadagdag pa...halos sinabi niya nang lahat...kinuhaan ako ng spotlight...
basta and2 lang kami pag medyo na ookray ka...yung tipong gusto mo ng katabi na nakikinig sa iyo habang nakatingin ka sa kawalan o sa sea shore...tpos cry cry ka, inilalabas mong lahat ng sama mo ng loob...tapos kulang ang mga tatlong rolyong tissue para sa pagngalngal mo...ganun...and2 lang kami para lunurin ka sa sea...nd para i - accompany ka(teka tama ba ang english ko?)...

at yang issue ng anonymice na yan...hay naku...tuwang tuwa ang mga anonymice for sure dahil pinagtutuunan nio clang mbuti ng panahon...nyahahahaha...didmahin lang yan noh..isa yang ksp...(nd nmn ako nang - aaway, nang uurat lang...)

12:21 PM  

Post a Comment

<< Home