Friday, March 04, 2005

plashbak sa LC lab

yehey!!!after almost a year ay makakapaglakad na ulit ako sa UP. bukas kasi meron kaming imi-meet para magpa-photocopy ng mga kalibruhan mula sa silid-aklatan ni mang melchor. sunod nun ay papa-buk bind naman sa SC.

nakaka-miss ang college. sa totoo lang ang nami-miss ko ay ang mga overnights namin sa llamas. nagpapanggap na magti-thesis para lang makapag-starcraft. the best, intra- or inter-lab kami nun! pinakamagaling ata ang laser lab noon! isang beses nga parang naging girls' night --- si claire, si ate liza, si ate claire, ako. lahat kami protoss! sino nga ba kalaban namin nun? kompyuter ata. dati din inaabangan ang lunch break, pwesto agad sa battle stations. natapos ang maliligayang sandali nang magpalit na ng direktor. naging istrikto, kelangan mag-log sa web para makapag-obernayt. nu nga ba nangyari? basta, nawala si starcraft. :(

andyan din ang malalamig na sandali papunta ke mang bogs, ang me ari ng pishbol stand sa tapat ng narra (namatay na ata siya :( ). sa madaling araw kapag tomguts na si marko o kaya si isip (pangalan/apelyido ito), sisilip na sa LC lab at mag-aaya dun. kahit di naman gutom, sasama pa rin para lang maalis ang antok. pero kapag ginaganahan sa jet-li forum o kaya sa anime chat, isnab ko talaga sila.

naka-surbayb sa dinner instant noodles, KDO (kafe de oro) sticks at sa almusal na tuyo at sinangag sa aristokart! nakakamay pa kung kumain. syempre, andyan din ang masarap na diskoberi ni claire, ang obernayt partner ko, na Choco-bis. pag sinawsaw sa 3-in-1, ay naku naman! magkaiba sila ng oreo dunk kaya di sila pwede paghambingin. basta, masarap. lahat ng nabanggit, maliban lang sa almusal ng aristokart, ay mabibili sa mercury drug sa philcoa. nung nalaman ko na meron palang suki card ang MD nanghinayang ako kasi hindi ako nagkaroon nun. nakakuha na sana ako ng rewards sa dami ng puntos.

dahil sa paniniwalang nakakalabo ng mata ang pagligo nang di natutulog, saka nakakasama din ito sa katawan, iidlip muna kahit na kalahating oras para lang maging valid maligo. sa kabilang kwarto ng lab masarap matulog kasi merong isang nook doon, complete with kutson. pag patak ng alas-kwatro, manginginig talaga sa lamig ng tubig sa cr ng faculty (panget dun). maaga ba? oo kasi baka maabutan ng isang senior researcher (head na ata siya ngayon ng isang lab dun) na dun na ata nakatira sa llamas eh. naninipa yun ng pinto ng cr sabi ni manang guard kapag naabutan ka niya.

thesis break din ang pagchi-chikahan sa "poolside" (harap ng llamas) o kaya naman ay pagtambay sa sunken. ang lamiiiiig kaya naman napapa- _ _ _ _. sikwet!

baka isipin niyo naman puro starcraft at internet lang ang obernayts. seryoso din naman. nagkataon lang na ang isang run sa DSC ay inaabot ng mga kalahating oras o higit pa. tapos palalamigin pa yun. kaya para di masayang ang oras, internet muna!

grabe, reminiscing ito.

10 Comments:

Blogger krazy_aljoe said...

yipee! ako nauna..

hmmm.. excited na rin pala ako sa sumkinda field trip natin mamaya sa UP Naming Mahal.. reminiscing ba ako? hmmm,di naman.. kasi kagagaling ko lang dun nung fair.. pero tama ka nga schlieren, masarap balik-balikan ang mga alaala sa unibersidad.. haaay.. gusto ko tuloy mag-aral ulit.. ituloy ko kaya ang pirs lab kong course.. ung geology.. nah! sa sunod na pag ayoko nang magtrabaho.. hehe..

teka, bakit nawawala na yung mga anonymouse.. baka nakakain ng lason uyng mga yun.. tsk tsk. wawa naman sila.. o baka naman nasira yung kanilang lungga..

hoy mga dagang costa, asan na kayo???? magparamdam naman kayo!!!!

^_*

8:02 AM  
Blogger schlieren said...

tinatawag mo ba si sir rj??? ?_?

8:14 AM  
Anonymous Anonymous said...

honga predrong bakit mo tinatawag ang amo ko????

walang magbabanggit...ang magbanggit...ay sinisimulan ng hukayin ang kanyang libingan...

8:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

I am alive!!!!

I am the King of the Hill!!!

9:36 AM  
Blogger nanoy said...

astig naman. :D saan yung LC? para makapagstarcraft din... :D

9:55 AM  
Blogger schlieren said...

Liquid Crystal Lab sa Llamas Hall (Physics).kaso ngayon wala na yun eh, merged na sa SAND (Structure and dynamics) group.

those were the days...haaaay...

9:58 AM  
Anonymous Anonymous said...

Uuuy... si jwnsa gusto na ulit maging anonymouse. Gusto pang agawin ang aking korona. Akala ko ba gusto mo na rin maging kenshin? gud luck. Sana'y masaya ka rin sa ginagawa mo gaya ng kasiyahan ko pag nandito ako. heh!heh!

O_o!

10:54 AM  
Anonymous Anonymous said...

san na ung hapon?

11:10 AM  
Anonymous Anonymous said...

mga anonymouse, bakit ba kayo nagtatalo-talo eh baka si aljoe-anoymouse o kaya si schlieren-anomouse lang yan?

enyweiz, maganda ngang balikan yung mga college years. Madaming kasiyahan, kapraningan, kalungkutan at kalokohan. Di gaya ngayon na MATATANDA NA KAYO... weheheh!

^_^

11:39 AM  
Blogger krazy_aljoe said...

o, bakit sinasama na naman ako sa mga anonymose na yan.. ako na nga nang-e-eksposey tas isasali ko pa sarli ko.. ano ba yun?Ü

anonymous-no-more #2.. coming soon!!!

ehehehe..

^_*

1:11 PM  

Post a Comment

<< Home