realisasyon
President --- ang 1st honor
Vice President --- ang 2nd honor
Secretary --- maganda ang penmanship; kadalasan babae!
Treasurer --- best in math o kaya mayaman
P.R.O. --- maboka o magaling mag English
Auditor --- ??? basta ang sigurado sikat ka o kaya nasa top 10
Vice President --- ang 2nd honor
Secretary --- maganda ang penmanship; kadalasan babae!
Treasurer --- best in math o kaya mayaman
P.R.O. --- maboka o magaling mag English
Auditor --- ??? basta ang sigurado sikat ka o kaya nasa top 10
Sgt. at Arms --- matapang/mataray dapat kasi nagpapatahimik ng klasmeyt
Muse --- crushness ng klase; ligawin
Escort --- dreamboy ng klase
Muse --- crushness ng klase; ligawin
Escort --- dreamboy ng klase
naalala ko tuloy nung grade school. madalas yun ang posisyon ko sa klase. naks! sikwet. buti naman naiba nung high-school, nakakasawa na kasi eh. naging "muse" naman! tsk-tsk-tsk...
siyempre ang kapal naman ng mukha ko no. di rin ako kasama sa honor roll kaya hindi ako naging officer sa 4 na taon sa high-school. hindi naman ako sour-graping nito.
teka, ano nga bang kabuluhan ng post na ito? kasi ganito yun. kahapon merong bisita dito sa kumpanya. meron kasing audit ng achu-chu-chu. basta merong audit. bigla ko lang napaisip ang mga botohan ng class officers nung nag-aaral pa tayo. wala kasi akong natandaan na "job description" ng class auditor eh. parang tinanggap ko na lang na merong auditor na slot sa class officers at kelangan mong mag-nominate o bumoto ng kaklase. sa isip ko kasi wala lang yun. bahagi na ng tradisyon at sistema pero di ko inalam ang halaga nito. eh sa wala naman talaga akong natatandaan na ginagawa ng auditor eh. ang president, nag-sa-sub ke teacher kapag aalis lang sandali dahil me emergency meeting. si vice naman, sub ni prez kapag absent. si secretary naman taga-kopya ng lecture ni ma'am kapag tinatamad magturo. si sgt.-at-arms ang taga-lista ng maingay sa blackboard. iniiwasan naman ng lahat si treasurer kapag singilan na ng fine dahil nasa "noisy" ka o kaya nag-salita ka ng Tagalog gayung English Week ang okasyon. si auditor, wala lang. wala talaga akong maalala na inaatas sa kanyang trabaho, pramis! P.R.O. naman ang pormo-boy/promo-girl. sina muse at escort, mga pa-kyut.
i therefore conclude na ang mga auditor pala ay parang mga inspektor. kikilatisin ang mga dokumento. kung kumpleto ba ang records, ayon ba sa standard format, me sistema ba? at pare-recite-in ka daw minsan, random, ng company policy.
ayan, nadagdagan na naman ang kaalaman ko! klap-klap-klap para saken!
pero bakit parang laro lang sa klase? titulo lang. parang wala lang? sa school lang ba namin ganun?
3 Comments:
sa klase din nmin, minsan pati sa pilipinas, kht ung presidente, vice president at mga senador...puro titolo lang...siguro sa class nagsisimula ang lahat...oh well...
biri biri tru. :)
"I second the motion" ba yun? kala ko kasi second "emotion". kasi madami nang nag-eemote. wehehehe!
Post a Comment
<< Home