guilty pleasure
#1: catching-up with old friends sa makati. matagal na din kaming di nagkikita-kita. halos isang taon na din. disappointed pa naman ako kasi hindi mag-o-overnight yung isa kong kaibigan dahil meron siyang lakad kinabukasan.
#2: sight-seeing ng mga kalbaryo sa makati. pabonggahan ito taon-taon. pinapasara pa ang bawat kanto dahil dun itinitirik ang mga kalbaryo.
#3: visiting relatives --- tita, cousins, inaanak-na-di-ko-pa-nabibigyan-ng-pamasko.
tsk-tsk-tsk...ito dapat ang mga nangyari nung biyernes santo. pero ano nga ba ang totoong nangyari?
nag-imbita ako ng mga kaibigan para makapasyal sa makati. maganda naman talaga dun tuwing holy week, hindi ka mag-sisisi sa pagpunta. yung isa, kagagaling lang sa swimming kaya pagod. yung dalawa naman, inaya ako sa swimming. so, ano pa ba? text ako agadkay friend at cousin na hindi ako matutuloy. di sila nag-text back. well, what do i expect? my baAaAad...
sumama ako sa mga dating workmates ko from ABS-CBN. free ride, free swim. konting gastos sa dinner along the way. nice beach. laiya, san juan, batangas. sa la luz! napag-alaman ko from alfred na doon pala nag-extra challenge kamakailan lang (nung guest host si pops!). wow, sosi pala kami!heh-heh. met a new friend, si kuya macky, who now works for GMA! met college "dudes" (puro "dude" at f-word kasi mga exclamation nila eh!) by the beach nung gabing dumating kami. rich kids (magallanes), cuties, and high! ang mga ever-protective guys na kasama namin eh naki-join at nakakamoy ng mabangong halimuyak sa beach na nagmumula sa grupo nilang nagtulos ng kandila malapit sa amin. mabango naman ang damo, in fairness. di ko nga na-recognize yung amoy eh. sinabi lang saken ni peach after namin bumalik sa cottage at makipag-usap sa kanila.
kinabukasan na lumangoy. di mainit ang panahon at sa katunayan ay paambon-ambon pa nga. picture taking kami sa rockies sa dulo ng beach. at dahil kasama namin ang photographer ng ABS-CBN Foundation, astig ang mga shots! kung di nga lang ako mahiyaing bata eh di nagpose na ako at nag-project sa camera! puro stolen shots lang ang saken. pero ang galing talaga ng eye ng photographer! basta, pag nakuha ko na yung cd copy ko, post ko dito yung pang-friendster pix ko! papalitan ko na din si blog pic :)
4 na kami nakaalis. stop-over ulit sa mcDo. dinner sa Gerry's grill malapit sa ABS, daan muna ng AFV HQ, tapos hinatid ako sa SM North Annex kung saan ako sumasakay ng fx pauwi. nag-enjoy talaga ako. yun nga lang, next friday pa ang sweldo. heh-heh.
kelangan mag-isip kung paano ako makakabawi sa mga inindyan ko.
2 Comments:
sandali, tama ba pagkakagets ko? yung damo ay mj? hahaha! buti hindi ka nahigh. :p
korek ka dyan!ambangoh! ;p
Post a Comment
<< Home