Friday, January 28, 2005

ang saya-saya!!!

bakit nga ba???

1. success(!) si html test...i'm learning. congratulations to me!
2. weekend na, meaning --- rest or meteor garden marathon (9 more discs to go!) or meet-date with friend (uy marko, tuloy ba tayo???)
3. papagupitan na si hair! goodbye split-ends...
4. tumaas ang ratings ni blog...dami comments ng"test" entry...

bitin. to be cpntinued...uwi na daw kami eh...

happy weekend!!!

testing

testing lang po...makikita kaya ito??? meron naman ako nakita sa preview so...ayos!!!bili nga ako ng "idiot's guide to html"/"html for dummies". heh-heh.....hmmmm, btw Christmas party pic pa ito. sang "Torete". in-edit ko na tong pic kaso di pa ko sanay mag-photoshop so di maganda ang pag-gawa ko. you will notice in the picture ang malupet na customized Denkin's (mineral H20) drum ni alfredo-jose-the-third...

haaaay...reminiscing again. :)

Thursday, January 27, 2005

wish-ko-lang list

finally, sa tinatagal-tagal nang naka-post nito sa freenotes ko, ngayon ko lang ito talaga mailalagay sa blog. nakukulitan na din kasi ako sa araw-araw na pag-pop-up niya sa desktop. araw-araw ko din naman dine-delay ng 1 day ang pag-litaw niya ulit. kaya eto na din, sa wakas, pwede ko nang burahin permanently...

...guitar...electronics kit (breadboard, resistors, IC's, etc...)...nice precision screw set...soldering iron...digital multimeter na din pwede???...chuck taylor na hi-cut in red or black or blue...max lucado book...(isa pang binurang item kasi nahihiya akong ilagay)...


mura lang pala ang precision screw set, less than 50 bucks sa Ace hardware. naisip ko na dati na parang maganda ngang hobby (hobby ni officemate) ang pag-simulate ng circuit sa breadboard kahit na geeky-nerdy pa ang dating. iba kasing high kapag naku-kuryente! heh-heh, joke! palibhasa di ko ito nagawa nung college eh kaya nung na-force gawin dahil tinatawag ng pagkakataon, namulat ang aking mata at nabigyan ako ng kakaibang perspective tungkol sa electronics. sabi ko dati nung college kaya pinili ko ang mat-sci field instead of instrumentation, "Chemistry is the lesser evil compared to Electronics". now, patas na lang tingin ko sa kanila (evil pa rin! hah-hah!). ito naman ang additional items na kahit hindi nag-pa-pop-up sa desktop, nagpapahiwatig naman siya sa aking diwa...

...organizer/file stand...pa-wave ng hair ends (para muka lang natural curl)...sports bag/knapsack...trim Bible...weekend retreat sa isang prayer mountain...ma-recommend sa "liga ng kagandahan" ng unang hirit or sa "F!" make-over...

ewan ko ba kung bakit ako gumawa ng wish list...~ hint-hint
saka ewan ko din kung bakit naka-highlight ang first item...~ uboh-uboh

nuninuninu...ika nga ni teacher mara...

Wednesday, January 26, 2005

masikip

pakiramdam ko di na ko makakilos sa workstation ko. cluttered ang mga gamit ko. na-o-overwhelm ako sa mga readings ko. yung iba halo-halo na. di din kasi ako makuntento pag ala sa reach ko ang mga books/catalogs/ or any related stuffs sa work ko kaya ayan, nakalagay lahat sa table. madalas naman ako mag-ayos ng gamit pero kelangan ko ata ng lalagyan ng files. file stand ba tawag dun? dahil kasi ayaw gumastos, di ako bumili kahapon kahit na hawak-hawak ko na sa national bookstore ang P189-worth na extra-hard-karton-lang-naman na organizer or whatever it is called! hirap pakawalan ng pera eh, heh heh. kaya ngayon dapat ayusin palagi ang mga thingies, mag-sort, mag-organize ng buhay, mag-wrap-up bago pa man iwanan ang opisina...at kelangan nang ilagay sa locker ang mga kikay kit to free the drawer space! but come to think of it, kelangan lagi ding within reach ang mga ito! hah-hah!

dahil sa nadiskubre ko sa internet kahapon nabalewala lahat ng mga autocad files ko na ginawa nung monday. madami din yun. feeling accomplished pa naman ako that time, yun pala...bukas na naman uulitin ang 5 more computations and drawings. buti na lang di pa ako nag-print. at buti na lang meron na akong brand new, intelligent mouse na kabibili lang kagabi! roll and drag na lang ang pan at zoom kaya napapabilis ang trabaho!

kahit pa ganito lagi ang buhay sa opis, happy naman ako. in fact, share ko ang isang kyutie-funny dr
. seuss poem:



and i have to specifically add this...
i love our brand new promac cofee maker!
...kaso di pa kami nakakabili ng kape! baka mahalata ni sir na kumuha kami ng maxwell cofee niya! konti lang naman yun para binyagan na kanina si cofee maker. heh-heh...

Labels:

Monday, January 24, 2005

okei sa olrayt!

maganda ang pagbu-bukas ng isang linggo ko. nakasagap ako ng chika tungkol sa buhay-buhay ng mga classmates sa high school dahil nakasabay ko from bus to mrt si malen. nakakatuwa naman yung mga balita, pero meron ding mga shocking na scoop. grabeh! dami nang nagbago --- merong okei, meron ding di okei. di naman pure chismax ang napala ko kanina. actually, i prefer to call it "catching-up". nagkikita-kita pa din ang ilan sa kanila. yung iba naman nasa abroad na. di ko na sila ma-reach! heh-heh.

sa office naman, nakakatuwa kasi di ako inantok...konti lang. in fact, isang beses lang ako nag-coffee. improving! nakaka-adik kasi ang coffee with cinnamon (powder) eh, try niyo minsan. dapat matapang ang timpla at madami ding creamer to match the strong coffee taste. kelangan bawasan ko na ang pag-inom kasi puro caffeine na ang katawan ko. di na ako nakaka-inom ng milk. tsk-tsk-tsk...

onga pala, si autocad ay medyo pasaway pa rin saken. baka nga yung PC ko ang me problema. ganunpaman na-drawing ko na din ang lens mount. medyo madugo nga lang kasi di pa ako expert. meron na naman akong bagong command at feature na natutunan (offset, otrack). natutuwa naman ako sa accomplishment ko for the day. i'm looking forward for more autocads tomorrow! exciting!

saka nga pala, di ako masyado nag-internet ngayon...di ako na-sidetrack! hope i can keep this up. so far, so good. ayos talaga ang monday!

my monday prayer goes like this: (nabunot ko sa collection of personal prayers ng papemelrotti)

My Lord and my God,
take me from all that keeps me from You.
My Lord and my God,
grant me all that leads me to You.
My Lord and my God,
take me from myself
and give me completely to You.

~St. Nicholas von Flue

Friday, January 21, 2005

wala akong maisip na title

nakakapagod. ang sarap sigurado magpamasahe ng likod. pakiramdam ko s0o0o0per hukot na ako. sakit din sa batok. antok pa. kainis pa kanina si Autocad kasi di nakiki-cooperate sa aken, pero pag si john na ang gumagawa sumusunod naman sa command niya. pero di rin niya alam kung ano ang problema. baka sa PC ko, sa tingin ko. parang yung nangyari dati sa autodesk sa pc ko. grabeh! ngawit na likod ko.

ayan, pauwi na daw kami. baka makatulog ako sa biyahe nito. malamang.

good things that happened today:
> finished reporting to sir (pero kelangan pa din mag-autocad)
> Mara's engagement!!! galing!
> di ako nag-coffee

Thursday, January 20, 2005

back to CV (Children's Village)

masaya ang naging saturday ko. almost four months din bago ako nakabalik sa Children's Village (where i previously worked as a kindergarten teacher). kilala pa din naman ako ng mga kagwardiyahn dun, at nag-comment pa na pumayat daw ako (unedited version: "Sumeksi kayo Ma'am ah! Lalo pang gumanda!" ). syempre pumalakpak naman tenga ko. wala naman akong napansing bago sa CV habang paakyat ako dun. kelan kaya uumpisahan ang third cluster, o kaya ang swimming pool, sa isip-isip ko. bakit ba kasi nag-heels pa ako eh alam ko namang bundok ang tatahakin ko. (minsan talaga di praktikal ang babae, for beauty's sake!) una kong pinuntahan ang clinic ni tita ann pero nung wala siya dun, tumambay muna ako sa me labasan kung saan malakas ang hangin. nate-tempt talaga akong pumunta kay Angelo na katabi lang ng clinic ang kwarto. syempre hindi na ako taga-CV. balita ko kasi super kyut na daw siya. 3-week old (premature, 8 months) pa lang siya nung mapunta siya sa CV at sobrang liit at payat na baby. ay meron pala akong napansin na bago...meron nang sofa sa therapy hall pero nahiya pa rin akong umupo doon saka mas presko sa labas. anyways, habang nandun nga ako sa labas at naghihintay, medyo nag-backtrack ako. naalala ko na sa same spot na yun kami naliligo sa ulan ni peacher hana at ni labs (the black labrador). dun din sa place na yun kami nagpapaka-senti watching the sunset! haaaay, nakaka-miss yung mga ganung moments. di ko na kasi magawa dito sa cavite yun. my breather nowadays is this blog. nakita ko din si kuya randy at pinapapasok ako sa loob pero dahil nga likas akong mahiyain (totoo, peksman!), nag-stay pa rin ako sa labas. buti na lang at di umaamoy nung time na yun ang poultry at piggery na malapit dun. sumunod ko namang nakita si chin-chin, ang original pet dog na askal ng CV. mas payat kaysa dati. mukhang nanganak sa isip ko, pero bago ako umalis eh kapapanganak lang nito. hmmmm...nakakatuwa naman at kilala pa din ako. ang ganda na ngayon ng balahibo niya, medyo namula-mula ng konti. wish ko lang magpakita din si labs nung time na yun. maharot pa din kaya?

nadinig ko na sa me hagdanan si lala (dalaginding ni VFL; the manager's daughter), tinatawag niya ang kanyang peyborit pet na si chin-chin. mas inclined ang heart niya sa mga underdogs, lalo na nung dumating si labs at ang isa pang labrador na janus daw ang pangalan. ayun, yakap agad saken. maharot pa din kahit na twelve years old na ngayon (as in today!). according to her, kapapanganak nga lang daw ni chin-chin at ang ama ay yung bagong black labrador na si janus.

si peach naman di nagre-reply sa text ko. samantalang papunta pa lang ako ng CV eh sangkatutak na texts saken, prinepressure at pinapa-guilty pa ako pag di daw ako nakarating on time. hay naku! buti na lang at si kuya marvin (ang hon ni peach!) nakita ako dun at pinapasok ako sakitchen. nandun din sina tita ann at ma'am vicky, nagpre-prepare ng aming lunch. feeling special naman ako kasi parang piyestahan ata pununtahan ko ---> crispy pata, pansit, tokwa't baboy, brownies, and my all-time favorite tiramisu (a.k.a refrigerator cake). buti hindi kami nahilo, 3 crispy pata ba naman ang nakahain! 3 hours ata kami sa lunch table dahil na din sa updates ng mga buhay-buhay at kaganapan. after lunch naghugas si peach ng pinggan habang ako naman ang nagpunas nito. at dahil nasa penthouse (4th floor) kami, kitang-kita ang buong children's village from there. merienda time na nun kaya aktibo na naman ang mga BB (Bantay Bata) kids. tinawag ko si jimuel (kindy student ko) at binalita naman nito na nasa CV si teacher ayrah kaya ayun...daming bata na nangawit ang leeg kakatingala at pilit akong pinapababa. feeling ko naman nung time na yun na andami kong fans, pakaway-kaway lang! actually, gusto ko na silang talunin, kaso nahihiya naman ako kasi di pa ako binibigyan ng go-signal ni VFL na pwede ko na silang lapitan. meron kasing rule na 1 year na hindi pwedeng magpakita sa bata para ma-eliminate ang any form of attachment sa amin ng bata para makatulong sa adjustment period nila. si "gelo" naman dinala sa taas ni tita ann. grabe! sobrang kyutie na! at tumaba na rin! shux, gusto ko na magka-baby...


masaya naman talaga ako kasi nayakap at na-kiss ko ang mga kindies ko...the notorious siblings, john lloyd and ana rose, nayakap ko ng mahigpit! miss ko na talaga sila. si john lloyd nga pala ang nagpauso ng pagtawag ng Peacher Ayrah at Peacher Hana, pero innocent mistake yun! ayun mga kyut at adorable pa rin sila. pinapunta pa ako sa playground kaso nung una ayoko kasi naka-heels ako. nag "circle time" muna kami sa therapy hall. nakakatuwa naman kasi sila pa nag-request nung mga tinuro kong songs at kabisado pa nila ang actions, pero yung lyrics ng english songs ay imbento pa rin nila at labo-labo na. heh-heh. siyempre, di naman talaga ako makakatanggi kaya ayun, lulubog-lubog ang takong ko sa sand at damuhan sa playground. pero okei na yun! kaya lang di ko napuntahan si joshua, my baby. di na kasi ako staff or official visitor kaya di ko na pwedeng puntahan ang bawat cottage. haaay...pero sabi medyo malayo na daw ang nalalakad niya ng walang alalay. meron kasing CP (cerebral palsy) yun. kyutie at matalino sabi ng doctor...oh well, ang importante nakabalik ako dun at nakalaro ko ang mga bata at naka-usap ang mga kaibigan.

haaay...dami ko flashbacks nung araw na yun ---- kindies, sunset, cinnamon rolls, breakfast together, badminton, table tennis, gabi ng mga bata, circle time, practice pag may presentation for the visitors or merong invitations, ligo sa ulan, basketball kahit umuulan, pangunguto ng mga kindies (tuwing outdoor play), swing sa playground, tambay sa me overhang ng building 'til midnight (with candlelight), my own bedroom, tiramizu, videoke at Sitio Lucia, pag-sama sa mga lakad ng bata, ...basta andami!

babalik ulit ako, promise!



Wednesday, January 19, 2005

spot the difference

noon...eto ako nung November, 2000 kasama ang mga kaibigan kong nakilala sa forum ng official website ni jet-li-my-luv-dati! tandang-tanda ko pa, P89.00 pa lang ang sine sa di-pa-sosing-greenbelt dati.




ngayon...this year lang, kasama mga opismeyts and staffhousemeyts nung bertdey ni alfred nung January 10.




nakup! medyo natagalan ang pag-uwi dahil sa blog. ako pa naman toka ngayon sa pagluluto. ciao for now!

Monday, January 17, 2005

help...

i need brain cells that work...lend some, share some...
i need mXo's*** brain cells!!!

***mXo ---> reads as Marko (Arciaga), 2002 magna cum laude, BS Applied Physics, UP Diliman; BPI Science Awardee and recepient of other prestigious awards that are too many to recall; currently taking up his Ph.D. in Physics at UPD; A very good friend of mine (or so i think!heh heh...of course!). i think he also goes by the name Plasma Boy.

Wednesday, January 12, 2005

typical day at the engineering department



now the big question is...would you still want to be a part of our R & D team? i bet you do! you won't regret it, i assure you. you will have the privilege of joining a team of fun, good-looking, brainy, talented, music-loving, hardworking, adorable, huggable, and the- list-goes-on-"ABLE"...people.

so far, these are the latest products we have come up.


Aris is holding our trademark marker that turns into a light saber with a wavelength of 440 nm*

John is calling her girlfriend using the prototype cellular phone-tachometer**
Adrian is holding an OEM*** fire extinguisher which is used to extinguish fire (duh?)...we are planning of redesigning the tank and making it MMDA-pink in color.
Alfred is making music, but paused for a while to pose for the camera, with this extraordinary guitar which is also able to generate Acoustic and RF waves **** (did i make sense?) to act as a noise-simulator as well!
Eman, our department head, is holding his coffee mug calorimeter. It has a thin liquid crystal coating that changes in color and alerts you when your drinking a high-calorie content beverage (du-uh!).
And me...i'm holding our air freshener, the first and nearest thing i've gotten my hands into, just in time to strike a pose for the camera.

hey, i'm obviously making all these up! these shots were taken a few minutes before we left the office. all were done for fun, okay.

but seriously, this a sample of what we look like in work mode...

hey, i'm doing the real thing here okay. i swear, really.


Legend:
* violet in the electromagnetic spectrum
** tachometer - (n) measuring instrument for indicating speed of rotation http://www.hyperdictionary.com/dictionary/tachometer
*** original equipment manufacturer
**** i think i did not make sense...there's something not-so-right. feel free to correct me (post comments!!!)
***** a liquid crystal changes it's color due to temperature changes (thermochromic). go to http://www.lci.kent.edu/information.html for more info (gosh! i miss my lab! i miss the LC peeps! i miss the overnights...!)

Labels:

picture of the day

as promised...ito na ang family (Eng'g) picture namin. mavyu-view niyo din ito sa blog ni aLfReD, complete with name tags pa!

heh-heh...super patawa talaga itong pic naito. hah-hah! still more, as in m0o0o0o0re, to come!!! salamat ke alfred for sharing about photobucket. baka magamit niyo rin ito...http://photobucket.com/

Tuesday, January 11, 2005

pictorials...& thank you's!

aliw kahapon kasi nag-karoon kami ng pictorials sa eng'g bago mag-uwian.natuloy pa ito sa bertdey ni alfred sa staffhaus. aliw talaga, lalo na yung family (eng'g) piktyur namin! hah hah! ipo-post ko din dito yun soon, kahit na nakakahiya kami, para naman maka-"hah-hah" din ang ilang ever-loyal readers ng blog ko. now that i've mentioned it, i would like to take this opportunity to thank you, yes you (the one reading this right now and no one else!madalas nga pala ako din yun pag break time na!)...for all your support, for keeping up with my ka-kornihan, for being napipilitan lang sa pagbabasa ng entries for the sake of friendship, for just spending your pampalipas-oras-wala-akong-magawa-bored-to-death-breaktime-na-rin-sa-wakas! reading my entries, for posting comments, for not posting comments na rin, or for merely browsing this blog to go to my blog links and read theirs' instead (okey lang saken yun,peksman!)...this is my solemn vow to you, oo isa iyo na kasalukuyang nagbabasa ng blog ko (oo nga, you eh, kuhlettttt mo!!!), that i'll try my very best not to disappoint you, and myself as well! and to blog happily ever after!

yun lang...heh heh.

Monday, January 10, 2005

back to normal...almost!

i feel better now...

dapat bukas pa ang recon namin ni blog, kaso...i feel good today. bukod sa naplantsa na yung gusot ko last week. tapos kanina nakapag-discuss ako with my head tungkol sa naatas sa aking proyekto --- the ever-tagal-kong-pinag-aralan-dami-kong-binasang-readings-na-hanggang-ngayon-di-ko-pa-rin-ma-solve-ang-beam-waist na laser diode (module). haaay, na-unload naman ako after the discussion.

hay naku, bukas na lang yung isa pang masayang kwento...uuwi na kami, baka maiwan ako. meron pang handaan ata, bertdey kasi ni alfredo jose d III.

i miss this blog :)


Friday, January 07, 2005

first step

...i failed to keep away from my blog. i have an important excuse but i cannot share it.

why is it always hard to make the first step?
it's not pride...it's something else
or maybe it is...partly...and partly...
it is fear...of rejection
even if it seems to be the least possible to happen...
it's guilt and condemnation

why is it always hard to do the things you know you must do?
even when you're fully aware it is the only, the right and the best thing to do...
deciding to do it will never be enough
i know, but...


my officemate just told me i'm "shit"...
he may mean it as a joke, but
i feel like one...

Tuesday, January 04, 2005

isa pang hirit bago tuluyang mamaalam...

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay... ----------------------> *buntong hininga* na amoy nescafe at eggpie. paano ba kasi isulat ang isang desperate and frustrated na buntong hininga???

paaLam

panigurado mami-miss kita. pero kailangan muna kitang isnabin panandali. isang linggo muna kitang titiisin. c00L off muna tayo.




paalam...










blog... ;)

Monday, January 03, 2005

top three holiday txts

"In this joyous season of merrymaking & endless parties, remember this: "Thou shalt not weigh more than thy refrigerator". Merry Christmas!!

"Merry Christmas and marry me this Christmas!!!jejeje...

"God is like a circle whose center is EVERYWHERE & its circumference is NOWHERE..May you be encircled by God's love forever. Happy New Year!"


Ito ang top three sa mga texts na na-receive ko nung holidays na naglagay ng ganito ----> :) sa aking mukha. yung number two ay hindi seryoso kaya wag niyong seryosohin. yung last naman... basta pagka-basa ko, medyo na-mental block yung utak ko sandali. tapos napalingon ako sa kaliwa at kumunot ang noo. isang malaking "huh???" ang sabi ko sa aking sarili. wari bang gusto kong ipa-analyze ang mathematical validity nito sa isang genuine bs math. bs applied physics kasi ako kaya di ko ito gagawin pero di pa rin malis-alis ang isang malaking "huh??? ano daw???" sa aking isipan. na-gets ko naman, matapos ang ilang sandali, kung ano ang nais iparating ng texter sa akin and i'm sure forwarded din lang iyon sa kanya. yung nga lang...parang "huh???"

hindi ko matiis, explain ko na din...God's love is immeasurable and boundless daw...the rest alam niyo na.heh heh.