Tuesday, May 31, 2005
Monday, May 23, 2005
LIBRE amusement
It's been 2 consecutive mondays that i've missed riding the MRT because i didn't like to spend my 10 minutes waiting for the station to open. this morning i just waited 3 minutes. i ocassionally dozed off on my trip, which was good. and i was able to get a copy of Libre, which is what this post is all about...
here's what i read...geneva cruz on her cousin donna rumored of being a battered wife...
"Yong would never hit Donna. He's an opthalmologist; he really takes care of his hands. It's important that when he handles patients, he's not pasmado (shaky, sweaty hands)."
i couldn't help but grin after reading it on the bus to baclaran...it doesn't matter to me if the rumors are true or not.BUT...
hellooooooooooo??? Ö watta justification!!!
Wednesday, May 11, 2005
dear blog
wag ka sanang magtampo. batid ko di na kita napagtutuunan ng pansin simula ng dumating sa buhay ko ang limewire. hatid kasi nito sila naruto at escaflowne. wag kang mag-alala, matatapos ko na bukas ang oav ng escaflowne (dapat sana ngayon kaso ako ang toka sa pagluluto), at iintayin ko na lang ang ipa-pa-burn kong naruto ke arg. makakaluwag-luwag na ang skedyul ko, pramis hanggang episode 30 na lang ang ida-download ko na naruto. kulang na lang ng apat!
baka naman isipin mo na puro na lang ako anime. hindi naman (60-70%. nyahaha!). nag-eensayo din naman ako mag-(autodesk) inventor. na-aaliw, nacha-challenge, nafru-frustrate kapag edit ng edit ng sketch, nananakit ang likod sa pag-gawa ng 3D models. sinusubukan kong i-reproduce yung mga models sa Invetor NG World Cup 2003. pangungunahan na kita, hindi ako sasali sa world cup...hindi PA. beginner pa lang ako, siguro isang buwang praktis pa. kasabay kong gumagawa si aris, sa katunayan ako ang nag-aya sa kanya. buti na lang walang pustahan kundi talo ako kasi nasa pangatlo na ata siya na model, ako 1 pa lang. kailangan ko pa ng ibayong pagsasanay. kapag nakagawa na ako ng escaflowne (including dragon mode ha!) sa inventor, senyales na iyon na sasali na ako sa Inventor NG World Cup! bwahahahaha...ang sarap mangarap. Ü
o ayan, naiintindihan mo na siguro ang kalagayan ko. inaasahan ko ang isang-daang porsyentong suporta mula sa iyo ha. i-imagine-nin kong sinasabi mo sa akin ala-justin/jessie, "Kaya mo yan Schlieren!".
Friday, May 06, 2005
naruto-limewire-escaflowne
okey talaga ang limewire (kesa kazaa). dahil dito di ko na mapansin si blog. sa katunayan nga eh nagmamadali akong mag-type para masimulan na ang episode 18 (19 na ata ako?!).
o siya...na-kyu-curious na talaga ako kung paano mabubuhay si sasuke.
out!
Tuesday, May 03, 2005
logic ng isang 4-year old
Matapos magwalis-(walisan) sa labas, pumasok sa loob ng bahay ang aking apat na taong gulang na pamangkin.
Ako: (Pagkakita sa mga nakalabas na tahi ng shorts ng kyut na pamangkin) O, bakit baliktad ang shorts mo???
Eya: Eh kasi nabasa yung "showt" ko eh.
Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! (ang kyut niya, sabi ko sa sarili ko)
That was a nice laugh for me. And I really find it cute and charming...
hmmmm...parang may gustong ipahiwatig
child psychologist. teacher, strike 2. social worker. counselor... wari bang gusto akong pabalikin sa BB.
kunwari lang! :D