dear blog
dear BH,
wag ka sanang magtampo. batid ko di na kita napagtutuunan ng pansin simula ng dumating sa buhay ko ang limewire. hatid kasi nito sila naruto at escaflowne. wag kang mag-alala, matatapos ko na bukas ang oav ng escaflowne (dapat sana ngayon kaso ako ang toka sa pagluluto), at iintayin ko na lang ang ipa-pa-burn kong naruto ke arg. makakaluwag-luwag na ang skedyul ko, pramis hanggang episode 30 na lang ang ida-download ko na naruto. kulang na lang ng apat!
baka naman isipin mo na puro na lang ako anime. hindi naman (60-70%. nyahaha!). nag-eensayo din naman ako mag-(autodesk) inventor. na-aaliw, nacha-challenge, nafru-frustrate kapag edit ng edit ng sketch, nananakit ang likod sa pag-gawa ng 3D models. sinusubukan kong i-reproduce yung mga models sa Invetor NG World Cup 2003. pangungunahan na kita, hindi ako sasali sa world cup...hindi PA. beginner pa lang ako, siguro isang buwang praktis pa. kasabay kong gumagawa si aris, sa katunayan ako ang nag-aya sa kanya. buti na lang walang pustahan kundi talo ako kasi nasa pangatlo na ata siya na model, ako 1 pa lang. kailangan ko pa ng ibayong pagsasanay. kapag nakagawa na ako ng escaflowne (including dragon mode ha!) sa inventor, senyales na iyon na sasali na ako sa Inventor NG World Cup! bwahahahaha...ang sarap mangarap. Ü
o ayan, naiintindihan mo na siguro ang kalagayan ko. inaasahan ko ang isang-daang porsyentong suporta mula sa iyo ha. i-imagine-nin kong sinasabi mo sa akin ala-justin/jessie, "Kaya mo yan Schlieren!".

lubos na humihingi ng pang-unawa,
Schlieren
3 Comments:
Si Papa Bear ay malakas
Si Mama Bear ay maganda
Si Baby Bear ay maliksi
Tingnan n'yo, tingnan n'yo
Ang saya nila
ano yung limewire? parang kazaa ba yun? natatakot na ako dyan sa mga dl software eh, parating nagdadala ng bayrus samin. :D inggit tuloy ako... :p
ako rin madaming nadi-download na bayrus from kazaa. possible na sa limewire din. si schlieren addict na rin sa P2P kaya susunod na rin nyan puro bayrus din PC nya. hah!hah!
Post a Comment
<< Home