Friday, April 15, 2005

kung ano-ano lang

wala akong mai-blog. wala akong mai-kwento. ano nga bang isusulat ko dito? o sige na nga, na-late kaming lima kanina kasi super traffic. nakapag-undertime tuloy, bawas na naman sa leave credits. yung sa kabilang staffhouse naman naglakad, nakaabot naman sila. ayan, tapos na. ano pa ba? sobrang antok ako dito. pikit muna ako sandali...wag na nga mabibitin lang ako. yes, uwian na mamaya! maganda na ang full house, maabutan ko pa yun. nainis pa naman ako kasi inurong pa ang oras, napupuyat tuloy ako gabi-gabi. pero meron din palang bentahe yun para sa akin at sa mga katulad ko na umuuwi sa probinsya tuwing buyernes. salamat dahil di na nagtratrapik sa NLEX. ay oo nga pala! meron akong little achievement for this work week ----- naka 1 mug lang ako ng coffee, ayos! kasi energen choco and vanilla flavor na ang iniinom ko dito. kapag nalilimutan bumili, ice tea na lang. ayan, nag-ding-dong na naman dito. makikipagbuno na naman ako sa anto0o0o0o0o0o0ok...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home