pasensya na kung puro ganito
hindi ko talaga mapigilan, kailangan ko lang itong iiyak. pagbiyan mo na ako BH, ito naman talaga ang silbi mo. kailanangan ko itong ilabas.
nanikip na naman ang lalamunan. sinadya kong itabi ang papel na ito. mahalaga sa akin. alaala ng huling labas naming tatlo. si nanay, si tatay at ako. hindi kami nakapanood pero balak ko talaga. sagot ko ang araw na iyon. hindi ko na matandaan kung bakit nga ba hindi kami nakapanood. basta napagkasunduan na sa susunod na lang. nagsabi na si nanay na "hidalgo" daw ang gusto niyang panoorin sa susunod na date namin.
hindi ako umuwi nung sumunod na sabado. tinamad akong umuwi. medyo madalas ko ding gawin yun.
nanghihinayang. naiinis sa sarili. maraming pagsisisi. march 20, 2004 ang petsa sa resibo. iyon na pala ng huling araw na makakasama ko siya.
tuwing nakikita ko ito, hindi ko maiwasang hindi ma-guilty. pero itatabi ko pa rin ang papel na ito sa wallet ko. malapit nang mabura ang mga nakasulat. pero sa totoo lang ayokong mabura yun. kahit pa ilang beses pa ako nitong paiyakin.
5 Comments:
"sinusukat natin ang sandali
sa mga bulong ng kahapon"
bawiin na lang ang nawalang pagkakataon sa "ngayon". sa ibang tao. :)
madali lang kasing sabihin at isipin ang ganyan.
madali ding gawin.
atonement...naaalala ko si kenshin ah.heh-heh :)
hindi lang talaga maiwasang maalala (at parusahan na din ang sarili.)
kaakibat noon ang panghihinayang at pagsisisi.
ok lang na alalahanin ang nakaraan ito ay nagsisilbing isang haligi upang maging matatag tayo ngayon at matapang sa haharapin na bukas...
isa rin itong inspirasyon na madalas nagmomotivate sa ating gawin ang ating mga gawain at nagsasabing...life must go on...
sayang naman...naisip mo na bang itigil ang oras, balikan at itama ang pagkakamali? ako, ilang beses na..okay lang yan...huwag ka nang umiyak...Ü
:) salamat sa inyo... :)
"nasa huli ang pagsisisi"
Post a Comment
<< Home