~ edited ~
Dear Nanay,
Kumusta ka na? Alam ko namang super happy ka diyan. Miss na miss mo na din kami ano? Ang bilis, isang taon ka na pala naming di nakikita. Pero kitang-kita mo naman mula diyan ang mga happenings sa buhay-buhay namin. Kahit pa napapanood mo na kami from up there,hayaan mong isalaysay ko pa din ang mga kaganapang ito. Marahil nalulungkot ka minsan sa mga namamalas mo, pero ganun talaga eh, hindi namin maiwasang mangulila sa iyo sa maraming bagay at sa maraming pagkakataon. Lalong-lalo na si Denggoy mo, lalo na kapag nakakapuslit at naka-shot, ikaw ang bukambibig hanggang sa makatulog. Unang-una na lang ang mga masasarap mong luto. Hindi ko namana ang kasipagan at kasarapan ng mga menu mo (Medyo masarap lang yung luto ko!). Dinuguan-na-gusto-ni-kuya, paksiw-na-peyborit-ni-tatay, laing-na-special-request-nila-pag-reunion (peyborit din ni Denggoy mo), spaghetti-con-tahong-na-patok-sa-mga-labmates-ko-nung-college, diningding-na-super-preferred-ko-over-pakbet, at marami pang iba. Ayan, naglalaway na tuloy ako. Ikaw ang ever-loyal fan ko na nakasubaybay sa ANC channel, hoping na makita ako sa Bantay Bata program. Nung mawala ka, si Tatay hindi naman ako pinapanood dun eh (puro sa channel ng Dating Daan!). Kapag andun nga ako sa bahay pinapagalitan ko yun kapag nilipat niya yung channel dun eh. Kung andito ka, alam ko ding papaluin mo sa pwet yun eh! Kuhleetttt!!! Nakakatawa at nakakatuwa din kapag naaalala ko na nanggigigil ka sa panonod ng WWF sa Solar! Hah-hah, with matching kwento and commentary ka pa sa akin habang tutok ang mata mo sa tv. Mahilig din ako dun sa WWF nung nakakapanood pa ako, pero ikaw mas matindi saken kasi kilalang-kilala mo yung mga sikat eh. Peyborit mo pa si "The Rock"!!! Ako din!
Ang paborito mong apo, si Jiel-Jiel, ayun super payat pa din. Silang dalawang ng kuya Jamin niya. (Madalas mag-away yung dalawang yun, hina-high-blood ako!) Wala nang umaamoy at kumi-kiss sa kilikili ni Jiel. Si Eya naman, sayang hindi mo naabutan na mag-school. Nai-imagine nga namin kung gaano ka nakangiti at natuwa diyan nung nakita mo na naka-uniform at pumasok sa school si Eya eh. Napaka-daldal, mana sa mommy! Heh-heh. Top notcher sa nursery! Silang tatlong magkakapatid merong honors kahapon lang. Matitigas ang ulo (parang tita nila! heh-heh). Kung andito ka, takot lang nung mga yun sa 'yo. Ako ngayon ang pumalit sa iyo, the disciplinarian. Minsan din kini-kiss ko sa kilikili si Jiel at kinakagat naman sa braso at sa puwet si Eya. Ang Kuya Noel, ayun at meron na namang bagong pinagkaka-abalahan. Nais niya atang maging Lance Armstrong eh kaya kina-career ang pagbibisikleta. Nadisgrasya minsan, pero magaling na naman ata. Si Ate Thet naman, slim na dahil na-ospital sa taas ng kolesterol.
Sina Kuya Rico nagpunta nung birthday ni tatay. Kumpleto nga kami, ikaw lang ang kulang. Si Ate Mela naman tumaba. Nagtatalo yung dalawa kung kanino mas kamukha si Monik-nik eh. No doubt na yung ilong eh namana sa mama, so tangos! Yun ang unang-unang napapansin sa kanya ng mga tao. Pero sa tingin ko mas kamukha talaga ni kuya eh, pati ang kulay! Kulay natin! At sa tingin ko din, sa akin namana ni Monik-nik ang chin niya! Masuwerteng bata! Si Camille at JC masipag daw mag-alaga kay Monik-nik. Matangkad na si Camille, next year graduating na din yun sa elementary. Si Kuya J naman, ever maporma pa din at ang daming chicks! Tsk-tsk-tsk...
Si Denggoy mo??? Kitang-kita mo naman. Nakakapuslit ng isa hanggang dalawang boteng red horse. Sobrang miss na miss na miss na miss ka nun. Bukambibig si "Nena" niya o kaya si "Dear" niya. Nakakapuslit din sa pagyo-yosi. Buti na lang at madaming mga look-outs dun. Mga pinsan, tita, pamangkin, nagre-report "Si Daddy nagyo-yosi na naman sa may harapan." Concerned naman sila lahat dun kay Denggoy mo eh. Madalas ko namang ma-sikwester ang stick niya, minsan nga lang paubos na.
Ako naman? Kaka-regular ko pa lang nung Miyerkules. Nakakatuwa. Masaya ako sa trabaho. Masaya sa staffhouse namin. Kung makikilala mo lang ang mga makukulit kong opismeyts. Napanood mo naman yung performance namin sa Christmas party namin hindi ba? Ang sarap ng feeling ko nun! Wish mo daw dati na makatapos lang ako sa college, kuntento ka na at payapa ka nang mamamaalam. Naka-gradweyt naman ako (Thank God!). Tapos sabi din nila sa akin ng maraming beses na, kapag napapagkwentuhan niyo daw ako ang sinasabi mo naman gusto mong makitang makapag-asawa ako bago ka mawala. Nag-evolve ha! Wala akong magawa tungkol sa aspetong ito. Pero meron kaming deal ni tatay tungkol dun at alam mo na yun di ba? Naaalala mo ba yung lagi kong sagot sa iyo kapag gusto kong pagbigyan mo ako? "Nanay ka naman eh!". Ewan ko pero pakiramdam ko lambing ko sayo yun eh. Parang kapag sinasabi ko yun, naiintindihan mo na at natutuwa ka din na pagbigyan ako. Ano nga bang meron sa mga nanay? Napaka-lambot ng puso at napaka-mapagbigay! Natatandaan ko din na ang aga-aga mong gumising at ikaw pa ang gumigising sa akin. Naiinis ka kasi lagi kong sinasabi "5 minutes" pero 10 minutes na ata ang nakalipas eh ayaw ko pa din bumangon. Ayaw na ayaw mo ng late eh. Don't worry 'Nay, hindi pa naman ako nale-late sa trabaho ngayon. Pero lately halos buzzer-beater na ako tuwing Monday.
Madami pang kwento at alaala na hindi na maisulat dito. Siguro sa susunod na "email" na lang. Sa lahat ng mga nangyari, buhay na buhay sa isipan ko yung malaki mong ngiti sa mukha pati na ang malakas mong mga tawa. Nakakamiss yun.
Pakisabi kay Big Boss, "Salamat po for sparing you". Diyan hindi ka na naha-high blood dahil sa katigasan ng ulo namin ni tatay. Heh-heh. Hindi ka na bumyabyahe pa sa Caloocan para magpa-dialysis. Hindi ka na tinutusok sa braso nung malalaking needles! Yaiks, pag pinapanuod ko yun feeling ko sa akin tinutusok. Dyan wala ka nang alalahanin. Dyan di ka na nahihirapan. :)
Labyu 'Nay! Miss you very much! Mwaaaaaah...
Sa muling pagkikita,
Yor-wan-en-onli-gerl
Nanay/'Nay/Dear/Nen/Nena/Tita Nena/Ate Lena/Ka Elena
July 22, 1944 - April 2, 2004