muni-muni a.k.a. buntong hininga 4
tama nga ba? pang-apat na BH na ba ito? hindi masama ang loob ko. hindi din ako malungkot. inis, maaari pa. naiinis ako sa sarili ko.
nais ko lang mag-isip, mag-tanda, matuto, mangakong magbago, at magbago. madaming pagkakataon na ang pinalipas ko. ilang okasyon na din kailan lang ang pilit nagpapaalala sa akin ng mga bagay na dapat matagal ko nang kinalakihan. batid ko naman na hindi ako makakausad kung mananatili ako sa ganitong kaisipan. hindi ako mapapayapa.
akala ko pa naman malakas na ako dahil sa isang napakahalagang desisyon na nagawa ko nang na nakaraang taon. pero tila naudlot ako sa paglakad. tinamad humakbang? natakot? pareho...
basta, ayoko nang mabagabag. gusto ko nang makawala. kailangan na muling magpatuloy.
naks! ang drama.
4 Comments:
Sarili'y tinuring na lupang tigang.
Di napansin ang angking kagandahan
May mabubulakalak na kapatagan
At may mayayabong na kagubatan
Pakiusap, wag mag-isip ng ganyan
Handa ka namang alalayan nyaring kalangitan
Di man maabot sa layo ng pagitan
Kama'y iuumang sa pamamagitan ng ulan
Gagawan ng paraan,lahat ng pangangailangan
Pananatiliing paligid mo'y maging luntian
Nasaang dako man nitong kalawakan
Asahang kailanma'y di ka pababayaan.
=)
waw, galing!salamat! :)
hinga lang ng hinga. :)
elo nanoy!onga...inhale-exhale ako ngayon...:)
Post a Comment
<< Home