Monday, June 27, 2005

para sa mag-ama sa sm north

hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa mga Pilipino. mayroon pa ring ilan na tapat, o sadyang may mabubuting puso. isang linggo ang nakakaraan nang mapanood ko bus patungong MRT ang balita sa unang hirit tungkol sa ilang pulis na nagsauli ng malaking halaga (milyon kung di ako nagkakamali). dahil pababa na rin ako kaya hindi ko masyadong nakuha ang detalye. nakakaganda naman talaga ng umaga ang ganung klase ng balita sa kabila ng napakalaking kontrobersya na nasa paligid natin. dapat noon ko pa ito nai-blog, pero dahil sa katamaran hindi ko na nagawa pa.

so bakit ko nga ba minabuting isulat ito ngayon kahit na huli na? dahil kasi ito sa isang pangyayarinung nakaraang sabado sa sm city north.

nagkita kami ni peach dahil sa matagal ko nang utang sa kanya na pangakong ililibre ko siya sa sine. nagpa-develop ng picture, nag-window shopping ng damit, nagsukat ng damit, pinasukan lahat ng sale ng sapatos, nakabili ng sandals, kinuha ang pinadevelop na pictures, nag-take-out sa BK, pumila sa sinehan, nanood ng batman. mukhang masaya ano? unwinding at updates ng buhay-buhay habang naglilibot. pero pagkagaling muna sa fuji, bago pa man maganap ang nasabing pangyayari, nahulog muna si cellphone. nakakapanindig-balahibo ito para sa isang dukhang katulad ko na magbibigay pa lang ng pangalawang hulog (36 hulog lahat) sa kanyang kuya bilang pagbabayad dito. patawa pa (pero di nakakatawa) kasi pinag-uusapan namin ang cp ko habang naglalakad. mas patawa pa (pero hindi talaga, pramis) kasi hindi ko namalayan may hawak akong sweater. akala ko na-shoot ko na sa bag.

nalaman na lang namin ng kalabitin si peach ng isang "angel". "Miss, nahulog po " sabay abot. pag lingon namin, hinihintay siya ng daddy niyang nakangiti sa kanyang anak at sa amin. shocked talaga ako nung na-realize ko na di ko pala na-realize na nahulog na si cp. thank you lang at ngiti ang naibigay ko kasi medyo huminto ang paligid ko nung time na yun (totoo pala yun!) at isa pa naglakad na din sila kaagad.

naiinis nga ako kasi hindi ko na masyado matandaan ang mga mukha nila. sana kinunan ko na lang sila :). hindi ko man lang nayakap o na-kiss yung bata. :(

bilib ako sa bata. mas lalo akong bilib sa daddy kasi siya ang nag-turo ng mabuting asal sa anak niya. maraming-maraming-maraming salamat talaga!

kung bawat pamilya may itinanim na mabubuting asal, wala nang magnanakaw (o mangungurakot). lalaking mga matatapat na mamamayan ang bawat isa. uunlad na ang ating bansa!

wow! ang sarap mangarap ano? habang may pangarap, may pag-asa. ituloy lang natin ito.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ingatan na po ang mamahalin at high tetch na cp...nd sa lahat ng hours may anghel...

para naman kay itay...isa tlga ciang huwarang ama...

5:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

may pag-asa pa talaga ang pilipinas. :)

5:22 PM  
Anonymous Anonymous said...

hala! muntik nang mawala and pinagmamatiyag (tama ba?) na telepono! dami pa namang kinolektang tema ng naruto... tsktsktsk! buti na lang di pinagnasahan ng bata... Ü

teka, kala ko ba ililibre mo kami dito ng batman?!

12:09 PM  
Anonymous Anonymous said...

di ba sabi ko sayo next time.di ko kasi kaya sabay eh. nagbabayad pa kasi akong CP per payday. heh-heh...;)

12:13 PM  
Anonymous Anonymous said...

siguro ganti lang yan ng mga mabubuting ginawa mo dati. kaya pag ikaw naman din ang nakapulot, alam mo na gagawin mo. :)

3:02 PM  

Post a Comment

<< Home