eksena sa baclaran
malapit na nga ang Pasko. akibo na naman ang mga masasamang elemento. kaninang umaga, habang naghihintay ng saulog bus sa may ilalim ng tulay sa baclaran, nagulat na lang kami ng may biglang tumakbo sa may harapan at likod. isang bata, mukhang grade 4 or 5, at isang binata, mukhang college student pero naka-civillian at tsinelas ang porma. nakapaloob ang braso sa t-shirt na parang me hawak na patalim ang agresibong bata habang hinahabol nito ang binata. nang matapos ang sandaling habulan at paninindak (ng bata) nalaman na lang namin na nakuha pala ng isang grupo (ng mga batang snatchers ata) ang bag at cellphone niya. nasa bag ng binata ang wallet niya.
nakakalungkot, walang tumulong nung kasaluuyang may nagyayari sa aming harapon. ako mismo, biglang dumikit sa matangkad at kyut (heh-heh) na lalaking kapareho kong nag-aabang nung panahong iyon. nang makatakbo na palayo ang bata saka sinabi ng mga regular nang dyaryo boys doon na kanina pa daw minumukhaan ng mga bata yung binata. nag-suggest sila na isumbong daw sa mga pulis. nang makakita ng humaharurot na pulis na nagmo-motorsiklo, pinara nila ito. sumenyas si mamang pulis na "banda doon" daw kaso natakot na ang binata kasi binantaan daw siya ng mga snatchers na kilala na daw siya ng mga ito.
nung makasakay na ako ng fx saka lang ako nakapag-isip. sana pinatid ko yung bata o kaya hinampas ko ng malaki kong bag. siguro naman pwede na naming pagtulung-tulungan yun. kaso wala nga sa amin ang tumulong. bakit kaya hindi tumulong yung matangkad (at kyut!) na mama? o kaya yung mga dyaryo boys? kung tutuusin kaya nilang sindakin sabay pingutin sa tenga yung bata. sabi na mismo ng mga dyaryo boys na wala namang balisong yung bata, na nananakot lang daw yun. haaaayyy...alam ko wala akong karapatang husgahan sila dahil ako nga mismo hindi nakaisip tumulong nung panahong iyon. kaso bakit hindi binigyan ng babala nung mga dyaryo boys yung kawawang binata na minamanmanan na pala siya ng mga snatchers???
nagsisisi ako kasi hindi ako nakatulong sa binata kahit sa simpleng paraan. huli na nang maisip ko na sana man lang naabutan ko siya nang P50 (P150 na lang kasi pera ko). o kaya naman nilapitan ko yung pulis at pinapunta ko sa binata.
tsk-tsk-tsk...
may gusto pa akong tumbukin kaso uuwi na si alfred, ayokong umuwi mag-isa. mahirap na. bukas na lang siguro ang karugtong.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
notes to self:
para makaiwas sa ganitong sitwasyon, hindi na ako magpapa-gabi mag-isa sa baclaran. sinisiguro ko naman tuwing mag-aabang ako na mayroon akong mga kasabay. pero sa tingin ko hindi sapat yun. kailangan manmanan ko din ang mga tao sa paligid ko nang sa ganon ay pwede pa akong lumapit sa madaming tao o kaya'y kumausap at humingi ng tulong sa taong mukhang kaya akong ipagtanggol. naalala ko yung nabasa ko sa email (about rape naman yun) na "make eye contact" at wag ipakitang takot para maisip ng masamang nilalang na ito na hindi ka nga takot at tinandaan mo ang mukha niya. siguro kahit paano ay magkakaroon pa din ng epekto iyon sa nagnanasang gumawa ng masama sa atin.
para makaiwas na din, wag nang magpakita ng cellphone o alahas. maglabas ng payong na pwedeng pamukpok.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home