Monday, November 14, 2005

tama ba naman???

habang mag-isang nagtratrabaho (ows??? pramis, totoo! heh-heh) sa kabilang kwarto, hindi maiwasang mapakanta, kaso sa isip lang (mas mabuti na din yun!). hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla kong naisip ang weird na kulay purple na dinosaur --- korek, si Barney nga ang sumagi sa isipan ko. tapos bigla kong kinanta ang jingle like this..."Denver, the last Dinosaur. Heroes in a half shell. Turtle power!!!".

huwatttttt??? yan din ang tanong ko sa sarili. hindi ko alam kung saan nanggaling yun. ang mas weird pa ay ilang beses na pauilit-ulit ko itong kinakanta sa isip ko bago ko ma-realize ang ka-weirduhan nito. nyahahahaha...buti na lang at di ko ito kinanta aloud katulad ng madalas kong ginagawa.

kung kabisado niyo ang tono ng theme ng Denver, the last Dinosaur at Teenage Mutant Ninja Turtles, try niyong kantahin. pwede di ba???

nyahahaha...labo ko , mehn.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

iha gutom lang iyan... hehehehehehe

6:07 PM  

Post a Comment

<< Home