tita sit
simula nang lumipat kami sa bulacan nung mag-gre-grade 3 na ako, madalas akong pumunta sa makati para mag-bakasyon. minsan pa nga kahit pasko hanggang bagong taon doon ako nagse-celebrate sa mga tita ko dahil masaya doon at nandoon ang mga barkada at pinsan ko. (nung medyo malaki na ako, naisip ko din naman na sayang ang mga panahong iyon na di ko ginugol sa piling ng mahal kong pamilya. pero wala na akong magagawa doon, tapos na iyon.) sa makati din, maganda, makulay at talaga namang bongga tuwing mahal na araw. paano ba naman pinagkakagastusan talaga ng bawat magkakapitbahay ang pagpapaganda ng mga kalbaryo dahil me pa-kontest ito. si tita sit ko pinag-re-rent pa ng traysikel ni tito ernek para mapasyal at malibot ang lahat ng mga kalbaryo. may 30 + ata lahat yun...
alam kong lab na lab ni tito si tita. sa katunayan, nakikita ko si tatay sa kanya --- kung gaano nila ka-lab pareho ang mga asawa nila. nakakataba ng puso. si tito kasi mali-mali kaya naman tuwing andyan siya, bagong uwi sa umaga, niloloko siya ni tita sit at ni ate lorie. kung minsan naman kapag sa gabi siya dumadating, kung ano-ano ang pinapabili ni tita --- balot, ice cream, wendy's meal, pansit, etc...ginigising pa talaga kami para kumain. doon nga lang ako kumain ng balot kasama ang sisiw eh, pinapapikit nila ako.
si nanay at si tita sit sa tingin ko ang pinaka-close sa magkakapatid. si tita ellen na din, medyo. tuwing nagkikita ang dalawa puro kwento sila sa isa't-isa. kalimitan tungkol sa mga karanasan nila sa mga pasaway nilang anak (ako yun!). naiinis si nanay kasi di sumusunod kay tita ang mga anak niya kaya si nanay minsan ang nagta-taray at nagse-sermon dito. madalas din biruin ni tita si nanay kasi mas matanda ito, medyo slow ang pick-up pagdating sa mga jokes. eh maloko pa naman si tita sit...hindi niya nakakalimutang tawagan o i-text si nanay kapag birthday nito. minsan magte-text yun para sabihin na pumunta naman kami doon sa kanya at dalawin siya..."Nen, punta ka naman dito"...
dati kasi pilay si tita sit. matagal din siyang pabalik-balik sa ospital dahil na din diabetic siya. taon-taon ito sa katunayan. nagbabantay pa nga ako sa kanya kung minsan. wala na yung isa niyang knee-cap. hanggang sa kinailangan na putulin na lang ang isa niyang paa, ilang taon na din ang nakakaraan.
si tita sit din pala ang nag-aayos ng buhok ko noong bata pa ako. magaling siyang mag-tirintas ng buhok, lahat ng klase --- pa-headband, isang braid, 2 braids, princess leia style --- magaling siya doon. mas magaling ke nanay...kapag wala si tito, ako ang katabi nito sa pagtulog kapag nagbabakasyon ako sa kanila.
birthday niya nung august 6. tinext ko nga kaso di nag-reply kaya akala ko nagpalit na ng number. nung december dinalaw ko pa siya sa makati med bago ako umuwi sa cavite dahil naoperahan siya dahil sa breast cancer. payat na talaga siya (lahi kasi sila ng matataba). pero masigla na siya nung nakita ko. nitong mga nakaraang linggo pala, humina na siya. naka-oxygen na daw at di na makakain, liquid food na lang na pinapadaan sa tube. wala kaming kamalay-malay sa bulacan. nakakainis yung ganon. bakit hindi ko kinumusta o tinanong man lang sa pinsan ko kung nag-iba na nga ba siya ng number? sayang talaga. hindi ko man lang siya nadalaw o nakumusta.
wala na si tita kahapon ng umaga. nakakalungkot. ito na naman...flashback na naman...di ko maiwasang maramdaman at maalala ulit ang nangyari nung isang taon...nanghihinayang na naman...mami-miss ko itong tita kong ito...sorry po talaga kung di ko na kayo nakumusta at nabisita ulit.

Sixta B. Reyes --- Tita Sit
August 6, 1948 - August 21, 2005
Labels: KapamilYang
1 Comments:
pag pray na lang natin siya...
pero m sure nmn na masaya cia...san man cia naroroon...
Post a Comment
<< Home