Tuesday, July 26, 2005

kuwentong corny (edited title)

kani-kanina lang, tanaw na tanaw ko mula sa jeep ang isang babaeng naghulog ng kauubos pa lang niya na mais. feeling niya ang laki ng basurahan niya, binuksan lang ng konti ang bintana ng kotse saka hinulog. feeling niya din siguro sinusundan siya ng basurahan kaya kahit anong oras pwede mag-tapon ng basura, mashu-shoot naman.

tsk-tsk-tsk...

naalala ko, nung pauwi naman ako nung linggo ng gabi, ganun din ang nangyari. nakasakay ako sa bus sa baclaran na naghihintay mapuno. katabi pa din ang isang babae na kumakain din ng mais. hapunan niya ata yun. pagka-ubos, tinapon niya sa may bintana ang pinagkainan. in fairness, in-extend naman niya ang kanyang braso para mapunta sa gilid yung basura niya kasama ng iba pang mga kalat na bahagi na ng dekorasyon ng baclaran. naisip ko nung oras na yun, bumaba kaya ako ng bus at pulutin yung mais? pero siyempre sa isip ko lang yun, over na kung gawin ko pa. saka madaming kalat na kasama, dapat pati yun pulutin ko din. parang gusto ko lang makonsensya man lang siya. isa pang tumakbo sa isip ko nun na bago pa man niya ihagis sa labas, hingin ko na lang yung kalat niya at kapag tinanong na lang ako kung bakit, sabihin ko na lang "gumagawa kasi kami ng compost pit sa bahay eh", sabay ngising aso para di siya mapahiya. grabe no, ako pa nahiya sa kanya.

haaaaaaay...

naka-kotse pa naman si girl number 1, tapos ganun siya. pero wala naman yun sa kung me kotse ka o wala, kung mayaman ka o hindi. nasa kinalakihan, konsensya, kalinisan sa sarili, disiplina. hindi naman siguro nakakaligtaan na ituro sa mga eskwela simula nung bata pa tayo na ang basura ay sa basurahan itinatapon. mahirap ba yun? kailangan bang bumalik ulit ng kindergarten para matutunan ulit ito? hassle ba kung ilagay muna sa bag o sa kotse o bitbitin muna ang kalat at saka itapon kapag me na-sight na na basurahan?

nakakalungkot. nakakainis.

4 Comments:

Blogger cheryll said...

Hi Yang! Che ito...

Grabe, naka-relate ako dito. Inis din ako sa mga ganyang tao e. Kasi pag nasa ibang bansa naman ang mga Pinoy, nagagawa nilang itapon ang basura sa dapat pagtapunan pero bakit dito sa atin, di magawa-gawa?!? Mukha ba talagang isang malaking basurahan ang Pinas? tsk tsk tsk nga.

Naalala ko nung bata ako, di ko tinatapon ang basura sa labas ng sasakyan. Hindi dahil conscious akong di dapat magkalat kundi naaawa ako sa basura. isip ko kasi pag tinapon ko sya, masasagasaan ng mga sasakyan. Hahaha! Weird ano? pero in my own way, though unconsciously, hindi ako nag-contribute sa kalat ;-)

2:04 PM  
Blogger schlieren said...

hello che! musta? :) aliw naman ng thinking mo! heh-heh.

grabe noh, kaya di tayo umuunlad eh. disiplina talaga kailangan... saka mga good values dapat ipa-uso ulit. heh-heh...

sana makaisip din ang bawat pinoy ng creative thoughts para di magkalat gaya ng sayo! pero di ba nga, ang mga kids talaga galing mag-isip, galing ng logic. sabi ko na nga ba eh, kailangan bumalik muna tayong lahat sa kindergarten. heh-heh ;)

2:17 PM  
Blogger cheryll said...

yup, galing talaga ng mga bata. simpleng-simple at to the point ang pag-iisip :)

By the way, eto blog ko: http://rainbowwindows.blogspot.com

ili-link na rin kita...

3:09 PM  
Blogger m. guard said...

o di kaya, sabihin mo, gutom kasi ako ate eh hehehe.

2:02 AM  

Post a Comment

<< Home