Wednesday, July 27, 2005

mushy song #2: Love Moves (in Mysterious Ways)

I always forget the lyrics. Last night I even bugged my roomate, who was doing her laundry, about the lyrics. This time I just got to post it down here.

Love Moves in (Mysterious Ways)
(written by Tom Snow and Dean Pitchford)

Who'd have thought this is how the pieces fit
You and I shouldn't even try making sense of it
I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but I don't know what they are
So blame it on my heart, oh

Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
How you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways

Heaven knows love is just a chance we take
We make plans but then love demands a leap of faith
So hold me close and never ever let me go
'Cos even though we think we know which way the river flows
That's not the way love goes, no

Like the ticking of a clock two hearts beat as one
But I'll never understand the way it's done, oh

Love moves... in mysterious ways....

originally sung by julia fordham. i like the local, acoustic versions very much, but honestly i can't seem to distinguish between MYMP's and Nina's versions.

happy singing!

Labels:

Tuesday, July 26, 2005

kuwentong corny (edited title)

kani-kanina lang, tanaw na tanaw ko mula sa jeep ang isang babaeng naghulog ng kauubos pa lang niya na mais. feeling niya ang laki ng basurahan niya, binuksan lang ng konti ang bintana ng kotse saka hinulog. feeling niya din siguro sinusundan siya ng basurahan kaya kahit anong oras pwede mag-tapon ng basura, mashu-shoot naman.

tsk-tsk-tsk...

naalala ko, nung pauwi naman ako nung linggo ng gabi, ganun din ang nangyari. nakasakay ako sa bus sa baclaran na naghihintay mapuno. katabi pa din ang isang babae na kumakain din ng mais. hapunan niya ata yun. pagka-ubos, tinapon niya sa may bintana ang pinagkainan. in fairness, in-extend naman niya ang kanyang braso para mapunta sa gilid yung basura niya kasama ng iba pang mga kalat na bahagi na ng dekorasyon ng baclaran. naisip ko nung oras na yun, bumaba kaya ako ng bus at pulutin yung mais? pero siyempre sa isip ko lang yun, over na kung gawin ko pa. saka madaming kalat na kasama, dapat pati yun pulutin ko din. parang gusto ko lang makonsensya man lang siya. isa pang tumakbo sa isip ko nun na bago pa man niya ihagis sa labas, hingin ko na lang yung kalat niya at kapag tinanong na lang ako kung bakit, sabihin ko na lang "gumagawa kasi kami ng compost pit sa bahay eh", sabay ngising aso para di siya mapahiya. grabe no, ako pa nahiya sa kanya.

haaaaaaay...

naka-kotse pa naman si girl number 1, tapos ganun siya. pero wala naman yun sa kung me kotse ka o wala, kung mayaman ka o hindi. nasa kinalakihan, konsensya, kalinisan sa sarili, disiplina. hindi naman siguro nakakaligtaan na ituro sa mga eskwela simula nung bata pa tayo na ang basura ay sa basurahan itinatapon. mahirap ba yun? kailangan bang bumalik ulit ng kindergarten para matutunan ulit ito? hassle ba kung ilagay muna sa bag o sa kotse o bitbitin muna ang kalat at saka itapon kapag me na-sight na na basurahan?

nakakalungkot. nakakainis.

Thursday, July 21, 2005

wishful thinking

ang sarap ng ganitong panahon. maliligo muna tapos balik sa kama, nakatalukbong ng kumot at maraming unan sa paligid mo dahil malamig. ang sarap matulog maghapon,babangon na lang para kumain kung di na makayanan ang gutom. nood ng tv, palipat-lipat ng channel. pero mas gusto ko pa rin ang mahiga na lang sa kama. haaaaay...wishful thinking.

nami-miss ko na din ang maligo sa ulan. kahit maginaw, sa umpisa lang naman yun. tapos mag-basketball, este shooting lang pala, habang umuulan....wishful thinking na naman. miss ko na tuloy si peach :(

masarap siguro kung maghabulan din sa damuhan ng naka-paa....hmmm...

feel kong kanta-kantahin ang, "...lalala lalala...tuwing umuulan at kapiling ka..." tapos magka-cuddle kami ng special someone. ayiheeeeeee! last na wishful thinking na ito. ;)

"...ula-aa-aa-aa-aan, sinong di mapapasayaw. sa ula-aan-aan-aan-aan. sinong di mapapasayaw sa ulan..."

Thursday, July 14, 2005

muni-muni a.k.a. buntong hininga 4

tama nga ba? pang-apat na BH na ba ito? hindi masama ang loob ko. hindi din ako malungkot. inis, maaari pa. naiinis ako sa sarili ko.

nais ko lang mag-isip, mag-tanda, matuto, mangakong magbago, at magbago. madaming pagkakataon na ang pinalipas ko. ilang okasyon na din kailan lang ang pilit nagpapaalala sa akin ng mga bagay na dapat matagal ko nang kinalakihan. batid ko naman na hindi ako makakausad kung mananatili ako sa ganitong kaisipan. hindi ako mapapayapa.

akala ko pa naman malakas na ako dahil sa isang napakahalagang desisyon na nagawa ko nang na nakaraang taon. pero tila naudlot ako sa paglakad. tinamad humakbang? natakot? pareho...

basta, ayoko nang mabagabag. gusto ko nang makawala. kailangan na muling magpatuloy.

naks! ang drama.





Wednesday, July 13, 2005

this will make you laugh :)

patawa talaga. nakakatuwa. kasi don't buy pirated stuffs!!!
Bacstroke of the West

have a nice day everyone! ;)