komedi sa opis
mga 30 minutes pa lang ang nakakalipas ay may isang napakalaking BLOOPER sa opisina. ang mga cast ay sila aris, alfred, at ang inyong ahem, magandang lingkod! syempre blog ko ito kaya i'm free to write anything to my advantage. pwede naman kayong mag-post ng comment eh. anyway, ganito kasi iyun...
Christmas party na mamaya. nag-ka-cram sa pagpra-practice ng kanta. i cannot deny na excited ako pero kinakabahan pa rin. original na song line-up ay "Linger", Torete" at "Sway". kaninang umaga lang merong mga bagong suggestions. "MYMP" daw kasi mas bagay sa boses ko, pati "Burn" kasi gusto ko yun. inabutan kami ng technical adviser na nagpra-practice at kinabahan ang lahat dahil office hours pa. pero okey lang naman pala sa kanya kaya tinuloy namin sa kabilang room dahil merong silang mahalagang pinag-uusapan tungkol sa isang product. "Burn" ang kanta. syempre merong medyo birit dun. napansin namin na merong papel na siningit sa ilalim ng pinto at nakasulat "Si Sir Shunji Nandito". ( si sir shunji ang may-ari ng kompanya). nag-panic, bigla kaming tumigil at lumabas sa back door. swerte si aris kasi bumalik siya sa loob gamit ang main door, parang galing lang siya sa CR kaya di mahahalata. naiwan kami 2 ni alfred na di makabalik dahil naiwan niya ang uniform sa L300. ako naman, pihadong narinig yung pag-kanta ko at dahil ako lang ang babae sa eng'g at wala pa ako sa desk ko, obvious na iisipin niya ako yun. matagal din kaming nagtago ni alfred sa likuran ng powerhouse. sa me basurahan. mainit pa naman. parehong takot sumilip kung nandun pa si sir sa office. naghihintay na lang kami na labasin ni aris. lumabas nga si aris kasama si eman at pinagtawanan kami...
natawa din kami sa sarili namin kasi alam na pala ni sir na may tao sa training room na kumakanta at nag-gi-gitara dahil medyo matagal na siya dun at nagtanong pa kay adrian bago pa mapaalam sa amin ni adrian na andun nga si sir. at nasabi ni eman na ako yun. sumilip pa daw tapos sabi, "No one???" at di pa nakuntento kaya pumasok pa sa loob at sumilip sa back-door. kaya pala may narinig kami na parang nagbukas ng pinto. imagine, ang nadatnan niya sa training room. 3 gitara, copy ng song with chords, 6600, mug with coffee --- mga ebidensiya! kahit sino naman talaga magtataka. anu yun, multo ang narinig niya?!?!
ganun lang naman ang nangyari. sobrang natatawa na lang ako at minor na lang ang kaba. actually, masaya! sabi nga ni alfred, parang high school daw. yung tipong nagtatago sa teacher dahil nag-cutting. iniisip ko na lang meron namang spirit of Christmas si sir kaya palalampasin na lang niya itong eksenang ito. matuwa na lang sana siya sa performance namin mamaya, yun na lang ang pambawi...
Labels: at work (not) working
0 Comments:
Post a Comment
<< Home