Monday, December 06, 2004

miss ko na talaga si nanay

itong mga nakaraang linggo inatake ako ng pagka-miss sa nanay ko. kaninang umaga lalo na. maaga kasi akong gumising, nagpainit ng tubig pampaligo at nagprito ng torta at itlog. naaalala ko dati na gigising siya ng maaga para lang ipagluto ako ng agahan. di ako umaalis ng bahay ng di nagbre-breakfast. kahit na tinapay lang, siya pa ang pupunta sa bakery para bumili sa madaling araw. syempre yung pagtimpla ng kape ako na gumagawa. siya rin ang gumigising sa akin. hinahatid pa ako sa gate at inaantay na makasakay ng tricycle. ito yung isa sa mga bagay na di ko makakalimutan sa kanya. di siya nagbago kahit na medyo humina ang katawan niya nung nagkasakit ginagawa pa din niya ang responsibilidad niya na kung tutuusin ay pwede na namang hindi na niya gawin. kahit na college na ako hanggang sa magkatrabaho di siya nagsasawa sa pag-aasikaso. ganyan siya sa aming lahat.

siguro dala na din ng kapaskuhan kaya nagkakaganito ako. unang Paskong wala siya. ano kaya ang mangyayari? ano kaya ang nafi-feel ni tatay? kaya ba siya umiinom ulit ngayon dahil naiisip niya si nanay? di naman talaga dapat ikalungkot ang pagkawala niya sa buhay namin kasi nasa pinakamasayang lugar na siya ngayon. kahit pa alam na alam ko ito di ko pa rin maiwasang ma-miss siya.

miss you very much 'nay...

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home