Wednesday, December 01, 2004

para sa magiging anak ko

a very important advice...

"Never let them take out your big toenail ingrowns."

the first time i lost my ingrown was when i was in 2nd year college. excited syempre pwede na magpalagay ng iba't-ibang kulay ng nail polish out in the open --- black, red (ewww, didn't like it), white, french tips, united colors of benetton, even sticker tattoos! those were the days! since then i've been been giving our neighbor manicurist/pedicurist a call kasi sumasakit yung toes dahil sa ingrowns ko, sa big toes lang naman lagi. at everytime din naman nasusugatan ako ng pedikurista. masakit pero okei lang. in fact di ko talaga pinatitigil hanggat me nafi-feel pa ako kahit na bloody na si big toe. iba naman kasing relief afterwards eh. sabi ng pedikurista sulit daw ako sa pagbabayad ko kasi talagang nagtatagal siya saken kasi dami ko daw dry skin tapos malalim pa ingrown ko.

ngayon i'm doing this myself dahil di ko na siya mahagilap. ayoko kasi sa iba dahil hindi nito gamay ang paa ko. saka minsan na nagpa foot spa ako with pedicure sa reyes haircutters, inokray-okray ba naman ako!!! sabihin ba naman na " operasyon daw yung ginagawa niya" kasi nga ang lalim ng ingrowns ko. at brinoadcast pa niya yun. hmph...di ko nga binigyan ng tip (as if naman nagbibigay ako!).

i'll get to my point. naisip ko na dati pa na kung hindi ako nagpatanggal ng ingrowns in the first place, hindi din sasakit ito regularly dahil tumutubo na naman. pwede naman cleaning ng nails sa surface lang eh. lagi kasi ako nasusugatan. minsan nga naiisip ko na baka ang ikamatay ko eh yung tetanus dahil sa sugat sa paa. baka me rust pa yung nipper na nagamit. or kaya baka mahawa ako ng sakit from blood stains sa nipper sa previous costumer ng pedikurista.

kung di ako nagpatanggal ng ingrowns di ko sana nararanasan ito ngayon...ang babae nga naman oh. di ko na hahayaan pang mangyari ito sa magiging anak ko, pramis. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home