Tuesday, November 30, 2004

bukas na lang

natapos ang araw at di ko pa lubos na ma-solve ang collimation ng laser diode. gayunpaman ay meron naman akong nakikitang pag-asa sa mga prinint kong articles. sana nga lang mabasa ko ang mga ito. ako kasi ang mag-luluto ngayon pero dapat talaga bukas pa. okey lang saken. toyo-based na naman malamang ang mailuluto ko ngayon. sana makapagmuni-muni pa ng menu sa jeepney.

sayang naman at nabura yung nasulat ko na kanina dito, english pa naman. :) wala nang oras para i-type pa ulit. bukas na lang.


Friday, November 26, 2004

buntong hininga 1

10 minutes na lang at officially tapos na ang office hours.pwede na ring umuwi at enjoyin ang 3 araw na walang pasok.haaay, salamat!

tapos na naman ang isang linggo sa trabahao. walang nangyaring gimik sa staffhouse. ayaan lang.ay meron pala ang mga boys nung isang gabi. naki-jammin' lang ako sa kabilang bahay kagabi, yun na ata ang pinaka-high na nagawa ko this week.

nasan na nga ba ako sa optics na pinag-aaralan ko? hindi ako satisfied sa nagawa ko. puro caffeine na nga ang katawan ko pero di pa rin ako tuluyang magising at makapag-isip. puro basa lang ang nangyayari, paulit-ulit sa isang page. pero sa totoo lang, nahihirapan akong intindihin. nagsisimula nko na namang ma-feel na incompetent ako. syet, ayoko nang ganito.

napapansin ko ganito ang trend ko eh, pero nagiging okey pa din naman palagi. pinapakaba ba muna ako pero sa huli, mage-gets din naman. ngayon yun na nga ang inaasahan ko at syempre kabado pa din. naalala ko tuloy yung testi ni wonald saken. :)


"She fights her battles well and wins them...but not without any doubts at first."

nag-aaya na mga sasabayan ko pauwi. mahaba-haba pa sana ang buntong hininga ko pero next time na lang.

Thursday, November 25, 2004

at lo0o0o0ong last...uy exagh naman.

sa wakas meron na din akong e-journal! first learned of this from mara, summer this year, and then sabi ko dito ko na lang isusulat ang daily anecdotes ko sa kindy class. super excited pa nga ako nun. nakapag-resign na ako pero di ko pa nasimulan. so ngayon ito na nga...

nag-resurface ang blog sa buhay ko dahil dito sa work merong dalawang bloggers. baka isipin nila nakikigaya ako. bakit nga ba prinoproblema ko pa ito? basta ang importante makapagsulat ako.tulad ngayon, di ko muna iniintindi ang pag-ayos ng settings and profile ko dito.basta kelangan ko na talaga magsulat. pero tungkol saan nga ba?dami kasi. hirap i-sort. unload ko lang isa-isa...

> sweldo na nga pala ngayon. kelan kaya kami magkaka-ATM?
> nakaka-antok
> miss ko na ang sunset at nightsky
> miss ko na ang mga kindies ko :(
> gusto ko ng HUG ni john lloyd, jerrald, sara, joshua, coycoy, joyce ann, michelle, chelsea, angelica, hadji, jimuel,...lahat ng mga kindies!
> miss ko nang matawag na PEACHER Ayrah
> di ko pa ma-gets ang Gaussian Beam Optics. pano ba kase mako-compute ang beam waist eh wala naman akong intensity readings??? isa pa itong beam radius output, wala naman sa specs ng laser diode.

ding-dong, ding-dong

> bakit bell na agad, di pa ako nakaka-idlip?
> gusto ko mag-isa muna

sa susunod na post na lang ang iba.