bangenge
halos matatapos na ang oras sa opisina at wala naman talaga akong ginawa. ayoko nang mag-basa pa. ayoko nang mag-panggap. ang tanging nasa isip ay ang pag-re-replay ng mga nangyari kagabi. sangkatutak na piktyurs ang dumating sa email (ang galing talaga ng digital age noh?!). madaming potential na "bold stars"!!! caught on video din ang mga main attractions ng kaganapan kagabi. boses ko ang nagmistulang background sa mga ito. hindi sa pagkanta kundi sa pag-sigaw! ibang klaseng release pala ang pag-sigaw. buti di ako nawalan ng ka-bosesan. binisita kami ng baranggay tanod, me nag-reklamo na kasi sa ingay. hirap naman kontrolin nun lalo na pag kantahan na. sabi nila, meron pa daw nambato sa bahay. matapos ang mala-Bench "Understatement" pictorial ng mga guyz sa labas, larga kami sa plaza. nag-posing-posing sa stage. meron ding showdown. puro mga nag-pasaway ang mga kalalakihan at nagsilbing satisfied audience naman ang mga kababaihan! alas-dos na rin ng umaga natapos ang parteyh. at bago pa magsipag-uwian mula sa plaza, me lost and found munang eksena. may naka-idlip sa basketball court. buti meron pang may sense samen at nakapansin na hindi pa nakakauwi sa bahay, kundi baka wala siyang kalabanlaban at mapagpiyestahan siya ng mga bading dun. heh-heh...weird, kasi hindi ako ganun kaantok sa kabila ng 3 oras na tulog at kung-ilang bote ng alak...nakapag-linis pa kami ng bahay kaninang umaga. ayos!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home